IPAPALABAS na sa mainstream theaters ang ”The Janitor” ng APT Entertainment, Inc. na released ng Star Cinema. Directed by Michael Tuviera, bahagi ito ng Director’s Showcase category (full length feature) sa nakaraang 10th Cinemalaya Independent Film Festival (Cinemalaya X). Nanalo ito ng ilang major awards kabilang ang Best Director para kay Tuviera, Best Supporting Actor para kay Nicco Manalo, Best Screenplay, Best Editing, at Best Sound.
Tampok dito sina Dennis Trillo, Richard Gomez, at Derek Ramsay with U Reyes, Alex Medina, Ricky Davao, Raymond Bagatsing, Sunshine GarCia, Dante Rivero, Irma Adlawan, etc.
No show si Derek sa presscon ng “The Janitor,” for obvious reason na released ito ng Star Cinema, movie arm ng ABS-CBN. Wala rin ang mukha at pangalan ni Derek sa poster, pati sa ipinamahaging press release. Wala rin ang Kapatid actor sa trailer ng “The Janitor.” Sa kanyang Twitter at Instagram accounts na lang tumutulong si Derek sa promotion ng movie.
Starstruck
Walang conflict kay Dennis Trillo at sa ABS-CBN dahil maayos ang paghihiwalay nila nang lumipat ang aktor sa GMA7. Pinayagan siyang mag-promote ng “The Janitor” sa ilang programa ng Kapamilya Network. Sa presscon, nagpahayag si Dennis na willing siyang gumawa ng pelikula sa Star Cinema kung mabibigyan ng pagkakataon.
In any case, inamin ni Dennis na starstruck siya kay Richard Gomez na first time niyang nakatrabaho sa “The Janitor.” Kinabahan siya sa mga eksena nila together. Ayon pa kay Dennis, pinanonood niya ang mga pelikula noon ni Richard at hinangaan niya ito. “Idol ko siya. Adonis talaga ang dating,” saad ni Dennis.
Isang dating pulis na naging hitman ang role niya sa “The Janitor” na aniya, nakipag-meeting sila ni Direk Mike at nakipag-usap sa mga totoong hitman.” Sobrang kaba ko habang kausap namin sila. Pero normal na tao rin sila. Mababait naman. Sinabi nila kung bakit nila ginagawa ‘yun (ang pumatay),” lahad ni Dennis.
‘Di isyu ang TF
Sobrang thankful si Direk Mike Tuviera kina Dennis Trillo at Richard Gomez na agad pumayag gawin ang “The Janitor” nang alukin niya ang dalawang aktor. Hindi naging isyu ang talent fee sa mga ito at sa ibang cast members. ‘Yung iba raw, idinoneyt sa charity ang kanilang TF. ‘Yung iba, labor of love lang talaga ang paglabas sa pelikula.
Ani Dennis, hindi niya inisip ang talent fee nang alukin siya ni Direk Mike. Anang Kapuso drama actor, mas mahalaga sa kanya ang fulfillment dahil gusto niyang gumawa ng ganitong klase ng pelikula. Wala pang script nang alukin siya ni Direk Mike, pero agad-agad pumayag siyang gawin ang “The Janitor.”
Ayon naman kay Richard, alam niyang maliit lang ang budget ng indie film. Pero mas mahalaga sa kanya ang script at ganda ng istorya. Tinext lang siya ni Direk Mike at ina 10k gawin ang “The Janitor.”
“Hindi porke indie film, pang it na. ‘Yun ang impression ng ibang tao. Malinis ang pagkagawa ng ‘The Janitor.’ Maganda ang istorya. Bahagi ng movie ay based sa isang bank robbery noon. Ang sarap magtrabaho na may mga nagpoprodyus ng magagandang indie movie na may magagandang istorya,” words to that effect na pahayag ni Richard. Ipapalabas ang “The Janitor” on October 8 sa mainstream theaters nationwide.