WALA pa rin si Governor Vilma Santos-Recto sa listahan ng second batch ng godparents na personal na pinuntahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Kabilang sa second batch ng godparents sina Dra. Vicky Belo, Mother Lily Monteverde, Vic Sotto, GMA Network’s big bossings na sina Atty. Felipe Gozon at Mr. Jimmy Duavit.
Baka naman sa third batch personal na pupuntahan nina Dingdong at Marian si Gov. Vi? Bago pa ang official engagement announcement ng Royal Couple at noong nag-guest si Gov. Vi sa pilot telecast ng “Marian,” tinawag na niyang inaanak si Marian. At matapos ang marriage proposal ni Dingdong kay Marian on national TV, agad nakatawag o nakapag-text si Gov. Vi kay Marian at binati ang Kapuso Primetime Queen.
Maski noong nag-guest si Marian sa “Extra” indie film ni Gov. Vi, nagprisinta na siyang ninang. Just wondering, bakit kaya hindi siya isinama sa first at second batch ng godparents? Too busy pa kaya sina Dingdong at Marian sa kanilang wedding preparations kaya hindi pa nila napupuntahan si Gov. Vi sa Batangas?
By the way, may nasagap kaming tsika na diumano’y kakandidatong konsehal si Dingdong sa 2016 elections. ’Yun ang pinag-usapan ng isang non-showbiz grupo.
Aminin na kaya?
Kahit hindi sinagot ni Megan Young ang tanong ni Lolit Solis sa “Startalk” kung sila pa rin ba ni Mikael Daez, obvious na magka-“somethingan” pa rin sila. Malamang kahit tapos na ang reign ni Megan bilang Miss World 2013 at naipasa na niya ang kanyang korona sa bagong Miss World 2014, hindi pa rin nila aaminin ni Mikael ang kanilang relasyon.
May ongoing afternoon prime series si Mikael, “Ang Lihim ni Annasandra” sa GMA kung saan si Andrea Torres ang kanyang love interest.
Likewise, hindi rin maamin ni Andrea na may “something” sila ni Sef Cadayona. Todo-tanggi siya kapag kinukulit ng press tungkol sa estado ng kanilang relasyon.
Back to Megan, gusto niyang balikan ang showbiz. Pero hindi niya masabi kung babalik siya sa GMA. Produkto siya ng “Starstruck.” Lumipat siya sa ABS-CBN. Then, sa TV5. Gusto rin niyang mag-try sa Hollywood entertainment kung mabibigyan siya ng pagkakataon.
Lilipat, aalis, babalik
Wala pang kumpirmasyon, pero may umiikot na usap-usapan na diumano’y may gagawing show si Willie Revillame sa GMA7. Siya diumano ang producer at once a week game show raw ito na magiging pre-programming ng SAS (“Sunday All Stars).”
Akala ba namin, ayaw ni Willie ng once-a-week show at daily ang gusto niya? Inalok siya noon ng TV5 para mag-host ng “Talentadong Pinoy.” Tinanggihan niya dahil weekly show ’yun.
Isa pang nasagap naming tsika: diumano’y lilipat si John Prats sa GMA7. How true kaya ito? Nang tanungin daw kasi ni Zanjoe Marudo si John kung iiwan na ba niya ang grupo (“Banana Nite”), ngumiti lang daw si John.
At gaano naman kaya katotoo ang isa pang tsikang diumano’y babalik si Sharon Cuneta sa ABS-CBN? For over 25 years, nag-reyna-reynahan ang megastar sa Kapamilya Network. ’Heard pa rin, kinakarir ni Sharon ang pagpapapayat para sa kanyang pagbabalik-TV. Abang-abang na lang tayo sa mga kaganapan. Kung totoong may lilipat, may aalis, may magbabalik.