PATI ba naman sa billboard, may kumpitensiya sina Marian Rivera at Heart Evangelista? Sinadya kaya o nagkataon lang na magkatabi ang kanilang billboards sa kahabaan ng SLEX (South Luzon Expressway)?
At take note, parehong shampoo na magkaiba ng brand na ini-endorse nila ang magkatabi nilang billboards. Napansin namin ’yun noong papunta kami sa taping ng “My Destiny” sa Binan, Laguna. ’Kaloka!
Magkasamang magbabakasyon
Sa Santo Nino de Cebu Parish sa Binan, Laguna ang taping ng “My Destiny” kung saan nakausap namin si Carla Abellana bago kunan ang wedding scene nila ni Sid Lucero. Matatapos na ito ngayong Biyernes at magandang abangan kung matutuloy ang kanilang kasal. Happy ending kaya para kina Grace (Carla) at Matthew (Tom Rodriguez)?
“Exciting, unpredictable at may gulat factor ang ending,” sabi ni Carla. Special friend pa rin ang turing niya kay Tom. Nanliligaw pa rin ito sa kanya at hindi pa sila, pagdidiin ni Carla nang tanungin ang estado ng kanilang relasyon.
Well-appreciated at tine-treasure niya ang poems na ibinigay sa kanya ni Tom dahil aniya, wala nang guy ang gumagawa nu’n sa panahon ngayon. May pagtingin din ba siya kay Tom? “Meron naman. Mabait siya, humble, mapagmahal sa kanyang pamilya at goal-oriented,” ani Carla.
Paalis siya next month para magbakasyon sa Australia with her mom and sister at aniya, inimbita niya si Tom to join them.
Hindi affected
Nang tanungin naman si Carla Abellana tungkol sa ex-boyfriend niyang si Geoff Eigenmann, tumanggi siyang pag-usapan ito. Anang dalaga, hindi siya affected sa mga negatibong komento tungkol sa kanilang break-up. To each his own na sila ngayon ni Geoff.
Willing ba siyang makatrabaho sa isang project si direk Gina Alajar na mommy ni Geoff? “Oo naman. Walang problema kung may magandang project,” sambit ni Carla.
Si Sid Lucero na pinsan ni Geoff ay katrabaho ni Carla sa “My Destiny.” May love angle pa sila at walang ilangan factor. Kung meron man, both are professionals sa kanilang trabaho.
Hindi nainterbyu si Sid ng mga dumalaw na entertainment press members sa taping ng “My Destiny.” Kesyo, natutulog daw ang aktor. Eh, bakit si Lorna Tolentino, ginising para ipainterbyu?
Duda ng press, ayaw lang magpainterbyu ni Sid. Sabi ng isang reporter, may bad encounter na sila sa aktor nang dumalaw sila noon sa set ng MD. Nagtaray raw si Sid nang hindi nagustuhan ang tanong ng isang kasamahan nila. Well…
6th placer
Hindi man nag-first place si Jomari Yllana sa 2014 Super Race ECSTA 729 Accent One Championship na ginanap sa Korea International Circuit, South Korea, congratulations na rin sa kanya. Pumasok naman siya sa ika-anim na puwesto. Not bad for a first timer like him na nag-join sa naturang international car race competition.
Nakaka-proud na rin ang nagawa ng Kapuso actor, considering na isang araw lang nag-training si Jom bago ang scheduled International Circuit.
Sa qualifying round, pumasok si Jom sa ika-pitong position. Mismong araw ng karera, naging pang-anim siya. Masayang-masaya si Jom at ito ang bahagi ng kanyang text message, “Isa na tayo sa pinakamahuhusay kundi man magagaling na drivers. Oo, iba ang karera but with discipline and determination, masisimulan nating ituro sa bawat batang gustong gawin ito sa school na dream kong i-put up.”
Babalik si Jom sa Korea on Nov. 2 para sa isa pang round ng karera. Kakaririn niya ang pagpapraktis and hopefully, maka-first place na siya. Harinawa!