COMEBACK movie directorial job ni direk Boy Vinarao ang “Bacao.” Aniya, after eight years, another breakthrough ito sa paggawa niya ng mainstream movies.
Ayaw niyang i-categorize ang “Bacao” bilang indie movie. “Mainstream ito. Commercial ito na hindi indie film ang budget. Dalawang Arri Alexa cameras ang ginamit namin. Pinaghirapan namin ang pelikulang ito,” saad ni direk Boy.
Prodyus ng Oro de Siete Films, ang “Bacao” ay isa sa apat na entries sa Sineng Pambansa National Film Festival 2014 (Horror Plus) na ipapalabas ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) simula sa Oct. 29 sa SM cinemas nationwide.
Personal choice ni direk Boy si Michelle Madrigal para gumanap bilang Mayet. “Gusto ko kasi ng morena at talagang ipinahanap ko si Michelle. Akala ko nga, hindi niya tatanggapin ang project dahil dalawang araw pagkatapos naming mag-usap, dinededma niya ang mga tawag ko,” wika ni direk Boy.
Magaling
Personal choice rin ni direk Boy and indie film actor na si Arnold Reyes para gumanap bilang Abel na asawa ni Michelle. Marami silang intimate scenes at may topless scene pa si Michelle.
Aniya, surprise niya ’yun sa kanyang daddy at baka raw himatayin ito kapag pinanood ang pelikula. Ayon kay Michelle, mas nahirapan siya sa love scenes kesa sa drama scenes niya sa “Bacao.”
Habang kinukunan ang love scenes nila ni Arnold, kinakabahan siya, ani Michelle. “Ang worry ko kasi, baka makitaan ako ng private parts ko. In-assure naman ako ni direk na walang makikita. Inisip ko na lang, hindi naman siya bastos na direktor,” saad ni Michelle.
Ayon naman kay Arnold, talagang iningatan niya si Michelle dahil ayaw niyang isipin nito na nag-take advantage siya sa kanilang love scenes. Halos sa lahat daw ng parte ng bahay nila sila nag-love scene… sa sala, banyo, kuwarto, sa taniman ng mais (Bacao) at nagkasugat-sugat sila, ayon kay Arnold. Hindi kasi sila magkaanak, kaya lahat ng positions sa lovemaking ay ginawa nila.
First time niya nakatrabaho si Michelle at sobrang thankful siya kay direk Boy na siya ang kinuha para ipareha kay Michelle. “Magaling si Michelle. Walang kiyeme sa love scenes na ginawa namin lahat ng gusto ni direk Boy,” lahad ni Arnold.
Nandiri sa sarili
Matabang artista ang role ni Angelica Panganiban sa “Beauty in a Bottle” at aniya, hindi na siya nag-effort. In real life, never naging problema sa kanya ang pagiging mataba.
“Choice ko ’yun. Kung gusto kong kumain at matulog, ginagawa ako. Pinagbibigyan ko na lang ang bashers ko sa panlalait nila. Kapag nag-ayos naman ako, sobrang ganda ko. Pag itinodo ko, inggit kayo lahat,” lahad ni Angelica sa presscon ng “Beauty in a Bottle.”
Dumating siya sa point na pagtingin niya sa kanyang sarili ay nandiri siya sa katabaan niya. Takot naman siyang magpa-liposuction. Never pa siyang nagparetoke ng kahit anong parte ng katawan niya, ayon kay Angelica.
Wala naman siyang fat memo mula sa ABS-CBN. Tinext lang daw siya ni Charo Santos, ani Angelica.
As expected, hindi niya sinagot ang concubinage issue kung saan isinangkot siya ng estranged wife ni Derek Ramsay na si Mary Christine Jolly. Mapapahamak daw siya kapag sinagot niya ang tanong ng isang reporter tungkol du’n.
Kasama ni Angelica sa “Beauty in a Bottle” sina Assunta de Rossi at Angeline Quinto with Tom Rodriguez, Nanette Inventor, Carmi Martin, Empress, Ellen Adarna, Dimples Romana, among others. Directed by Antoinette Jadaone at hatid ng Skylight Films at Quantum Films, showing ang pelikula on Oct. 29 sa mga sinehan nationwide.