HINDI isyu kina Elmo Magalona at Janine Gutierrez ang five-year age gap nila. Janine is 25 at 20 naman si Elmo. Anang binata, hindi niya iniisip ’yun.
“Mukha namang hindi 25 si Janine, di ba? She looks younger than her age,” ani Elmo nang nakausap namin sa presscon ng “More Than Words” na muli nilang pagtatambalan ni Janine.
Una silang nagtambal sa “Villa Quintana” at ayon kay Elmo, doon sila naging close ni Janine, hanggang nagkadebelopan at nagka-in-love-an sila.
Six months na sila officially together at tanggap ng kanilang respective families ang kanilang relasyon, ayon kay Elmo. They go out on dates na walang kasamang chaperone si Janine.
Ani Elmo, sobrang happy siya ngayon sa kanyang lovelife. “Masarap at magaan siya (Janine) kasama. Positive thinker siya. She inspires me a lot,” sambit ni Elmo.
In “More Than Words,” he plays Hiro, ang dream guy ni Ikay (Janine Gutierrez). Sila rin ang kumanta ng theme song.
Naka-move on na
Totally naka-recover at naka-move on na si Enzo Pineda sa break-up nila ni Louise delos Reyes. Ayaw na niyang pag-usapan ang ex-girlfriend dahil aniya, tapos na ’yun.
May bago na siyang love na Leonora ang pangalan. Non-showbiz ito at Pyschology graduate sa Ateneo University.
Super understanding at supportive ito sa kanyang career, ayon kay Enzo. Hindi ito selosa, aniya pa. Tanggap na tanggap ito ng kanyang pamilya, ayon kay Enzo, gayun din siya sa pamilya ng kanyang non-showbiz girlfriend.
Ani Enzo, mas masaya at masarap na non-showbiz ang karelasyon niya. Walang intriga. Tahimik lang.
Kasama si Enzo sa cast ng “More Than Words” at kontrabida ang role niya. He plays Nate, isang campus heartthrob at star player ng varsity soccer team.
First time niyang gumanap ng bad guy, ani Enzo, at happy at enjoy siya sa role na ibinigay sa kanya. “May pinanggagalingan kasi kung bakit naging bad guy ako,” sambit ni Enzo.
Balik-TV
Pinagkaguluhan ng photographers sina Rey “PJ” Abellana at Leni Santos nang tawagin sila sa press presentation para sa “More Than Words.” Nag-throwback kasi sa isa sa popular love teams noong Dekada ’80.
Nagbalik-Pilipinas si Leni sa engganyo ng tabloid editor na si Eugene Asis na tumatayong manager niya ngayon. May communication sila thru Facebook at minsang nag-abroad si Eugene, pinuntahan niya si Leni sa Las Vegas kung saan ito nakatira and her family. Twelve years na sila roon. Si Jeffrey Salvador na anak ng yumaong actor-director na si Leroy Salvador ang napangasawa ni Leni. Pero hiwalay na sila ngayon. Dalawa ang anak nila, isang girl, 20, at isang boy, 18, na naiwan ni Leni sa Las Vegas.
Noong tiyakin ni Eugene kay Leni na magkakaroon siya ng show sa GMA7, only then pumayag ang huli na bumalik sa Pilipinas. Little did she know na kinausap muna ni Eugene ang isang GMA executive kung pwedeng mabigyan si Leni ng show.
Per show ang kontrata ni Leni sa GMA at depende sa magiging takbo ng career niya kung magtatagal ang pamamalagi niya sa Pilipinas. Pansamantala’y nakatira siya sa dati nilang bahay sa Bulacan.
Sobrang happy si Leni na sa kanyang comeback TV project ay si Rey “PJ” Abellana ang kapareha niya. Gaganap sila bilang mag-asawang kukupkop kay Elmo sa “More Than Words” (MTW) Magalona.
Tampok din sina Jaclyn Jose, Yayo Aguila, Gardo Versoza, Mikoy Morales, Coleen Perez, Mayton Eugenio at Stephanie Sol. Mula sa direksiyon ni Andoy Ranay. This November na mapapanood ang MTW sa GMA7.