HOPING si Jake Cuenca for a possible reconciliation with his ex-girlfriend-model Chanel Olive Thomas. Aniya sa presscon ng “Mulat” (Awaken), naapektuhan ang kanilang relasyon noong nagpunta siya sa New York para kumuha ng crash course sa acting. Two-and-a-half months siyang nawala at aniya, mahirap talaga ang long-distance relationship.
“I’m not the perfect relationship guy ever. Everything came so fast. Pagbalik ko, nagkaroon kami ng big argument. We’re working things out now. Malapit na ang Pasko and hopefully, bigyan niya ako ng second chance,” pahayag ni Jake.
Good friends naman sila ni Chanel at inihatid pa niya ito sa airport noong umalis ito papuntang Cambodia a few days ago.
Entry ang “Mulat” (Awaken) sa New Wave Category ng 2014 Metro Manila Film Festival na ipalalabas sa SM Megamall at Glorietta 4 cinemas from Dec. 17 to 24. Nanalong Best Actor si Jake sa naturang pelikula na kasali sa International Film Festival Manhattan (IFFM) sa New York, USA last October this year.
Ani Jake, bonus lang ang panalo niya dahil nagpunta siya sa New York para mag-aral. Hindi niya inasahang magkakaroon ng Awards Night, kaya dumalo na rin siya.
Misunderstood
Kasama sa cast ng “Mulat” (Awaken) si Ryan Eigenmann. Hindi naiwasang kumustahin sa kanya ang younger brother niyang si Geoff.
“He’s enjoying his singlehood. Madalas kaming magkasama sa gym. I know he can handle himself well. If he needs my advice as his older brother, I’m always here for him,” saad ni Ryan.
Aniya pa, never namang nagpakita sa kanya si Geoff na depressed ito or whatever, matapos ang hiwalayan nito at ni Carla Abellana. “Kung ano ’yung mga pino-post ni Geoff sa kanyang Instagram account, ’yun na ’yun. Misunderstood lang siya ng ibang nakakabasa,” lahad ni Ryan.
“He has always been Geoff. Walang nabago sa kanya. As for Carla, I’m happy where she is now. May nabasa akong interview kay Geoff na sinabi niyang malabong maging magkaibigan sila ni Carla. Bahala sila. Basta ako, peace with everyone.”
Willing ba siyang makatrabaho si Carla? “Why not? Professional ako when it comes to work,” sambit ni Ryan.
Baguhan
Isang baguhan ang lead actress sa “Mulat” (Awaken), si Loren Burgos. She was born in the Philippines at tumira sa USA noong 10 years old hanggang nagdalaga roon. Nag-join siya roon ng beauty pageant, 2008 Mutya ng Pilipinas Overseas.
Commercial model din si Loren. Nag-acting workshop sa USA at nakalabas sa short films na “Hollywood Heat,” “FilAm Jamz,” “Prom,” “The Clients List” at “New Girl.”
Nag-audition si Loren sa “Mulat” para sa lead role at agad namang nagustuhan siya ng lady director-scriptwriter-producer na si Maria Diane Ventura.
Sa mga hindi pa nakakaalam, si Diane ang ex-girlfriend-manager ni Ely Buendia (ng Pupil band, lead vocalist ng dating bandang Eraserheads). Gumawa noon si Diane ng mga music video at aniya, bata pa siya’y pinangarap na niyang maging direktor.
Nag-aral si Diane ng filmmaking sa New York. Nakagawa na siya ng short film in 2012, “The Rapist,” with Cherie Gil. The film was cited as among the Most Popular Films and Best Short Films at the International Film Festival Manhattan (IFFM) in New York. Recently, kasama ito sa Best Short Films in Asia.
Nanalo namang Best Director, Global Feature Film for “Mulat” (Awaken) si Diane sa 2014 International Film Festival Manhattan last October. First full-length film niya ito.