HAPPIEST at memorable ang Pasko ni Yasmien Kurdi ngayong 2014. Sa Kuwait siya nag-Christmas kasama ang non-showbiz husband niya and their daughter Ayesha. Sinorpresa ni Yasmien ang kanyang Lebanese dad na naninirahan sa Kuwait.
First time nakita ng kanyang daddy ang apo nito, gayun din ang husband ni Yasmien. Four days silang namalagi sa Kuwait at talagang sinulit ni Yasmien ang bonding moments nilang mag-ama.
Sa Dubai naman sila magnyu-New Year sa bahay ng father-in-law ni Yasmien. Truly memorable sa Kapuso star ang celebration niya ng Pasko at Bagong Taon.
Pagbalik nila sa Pilipinas, magiging busy na naman si Yasmien sa taping ng “Yagit.” Kaabang-abang ang mga kaganapan sa naturang afternoon prime series ng GMA. Nakatakas si TomTom, pero naiwan si Elisa. Nagsumbong si TomTom sa mga pulis. Ma-rescue kaya si Elisa?
Garden wedding
Magkahiwalay noong Pasko at maging sa Bagong Taon sina John Prats at Isabel Oli. Sa Los Angeles, California, USA si John kasama ang kanyang pamilya. Dito lang sa Pilipinas si Isabel na kasama naman ang kanyang pamilya na dumating mula sa Singapore.
Sa May next year ang garden wedding nina John at Isabel. Gaganapin ’yun sa farm ng pamilya Prats sa Balete, Batangas at doon na rin ang reception. Wala pang exact date ng wedding, ayon kay Isabel.
Wala pa ring kumpletong listahan ng wedding entourage at pag-uusapan pa nila ’yun ni John pagbalik nito galing US. Tulad ni Marian Rivera, gusto rin ni Isabel na magka-baby agad sila ni John after their wedding. She’s 33 years old na at tatlong anak ang gusto niya.
Wala pang regular TV show si Isabel, kaya tumutulong muna siya sa pag-aasikaso sa business ng pamilya Prats. May pre-school ang mga ito sa Taytay, Rizal.
Young kontrabida
Magka-edad sina Bianca Umali at Sabrina Man na parehong 14 years old. Mas naunang nag-artista si Sabrina at mas marami nang nilabasang teleserye sa GMA7.
Nauna namang bigyan ng break si Bianca. Ni-launch ang love team nila ni Miguel Tanfelix sa “Nino.” Magkasama rin sila sa “Ismol Family.” Sa bago nilang project, magkatambal na naman sila sa “Once Upon a Kiss” (OUAK).
Kasama sa cast si Sabrina bilang isang kontrabida at ka-love triangle nina Miguel at Bianca. KSP (as in kulang sa pansin) ang karakter ni Sabrina bilang Wendy Salazar, ang childhood friend ni Prince (Miguel Tanfelix).
Wala bang inggit factor na mas nauna pang nagbida si Bianca at nata-typecast siya sa kontrabida role?
“Wala po,” sambit ni Sabrina sa presscon ng OUAK. “Mas gusto ko nga po ang kontrabida role dahil mas challenging. Siyempre po, nangangarap din po akong mabigyan ng lead role. Nagkasama na po kami ni Bianca sa ‘Tropang Pochi.’ May ginawa naman po kami ni Miguel na indie film with Lauren Young.”
Parehong Chinese ang parents ni Sabrina at bunso siya sa tatlong magkakapatid. Regular 3rd year high school student siya sa Augustinian School of Cabuyao sa Laguna.