NAGTUNGO sa Korea si Julian Trono para mag-guest sa live musical variety program, “Show Champion,” ng MBC. Siya ang napili ng JU Entertainment Music & Contents, Inc. para i-develop ang kanyang singing skills at maka-adopt sa K-pop image.
For the past months, nagte-training ang Kapuso teen actor at GMA Artist Center talent with the Korean team, kasama rito ang Korean songwriter na si Jack Kim (Kim Heon-Jik).
Na-impress kay Julian ang co-CEO ng JU Entertainment na si Jin Eog Kim noong napanood nito ang kanyang performances sa TV. Nakita nito ang potentials ni Julian, kaya gusto nitong i-develop ang talent ng Kapuso teen actor.
Sa ginawang music video ni Julian, nakasama niya ang rapper na si ONE, member ng crossover hip-hop team na T.L. Crow. Si ONE ang unang Asian winner sa rap competition na Joe Jackson Hip-Hop Boot Camp, founded by Michael Jackson’s father Joe Jackson.
Last Jan. 29, dumalaw sa Pilipinas si ONE para sa ginawa nilang music video ni Julian, megged by Albert Langitan.
Malaking tulong
Malaking tulong sa mga maliliit na negosyante at gustong magnegosyo ang PLDT KaAsenso products. Ayon sa PLDT Vice President and Head of Home Management na si Mr. Gary Dujali, tailor-made ito sa mga pangangailangan ng mga minigosyante or microentrepreneurs. Kamakailan lang ay ini-launch ang mga naturang produkto nina Regine Tolentino at Amy Perez na may kanya-kanyang negosyo.
“Filipinos are naturally very resourceful and creative sa paghahanap ng mga paraan para madagdagan ang kanilang kita buwan-buwan. Layunin ng PLDT KaAsenso na makatulong sa simpleng pamamaraan yet innovative at affordable technology solutions for a better family quality life,” pahayag ni Mr. Dujali sa presscon.
Ang minigosyo package Plan 1888 ay may hi-speed internet up to 3 Mbs., PLDT landline at PLDT store watch. Another PLDT KaAsenso service is Wi-fi zone.
Ang PLDT KaAsenso Cyberya naman ay all-in-one internet café package, complete with computer set, coin-operated timer, powered by PLDT Home DSL. “Our vision is to give every Filipino the opportunity to start his own business with utmost convenience,” lahad ni Mr. Dujali. For more information, log on to pldtkasenso.com http://pldtkaasenso.com.
Nag-moment
Ano kaya ang reaction ng mga kaparian sa karakter ni Gabby Eigenmann sa “Once Upon a Kiss”? Tipong jeproks na pari ang role ni Gabby na kung minsan ay nakabandana pa siya sa ulo at naka-jacket. Kumbaga, cool father ang role ni Gabby.
Nag-moment naman si Eunice Lagusad bilang Melody, ang best friend ni Ella (Bianca Umali). Maka- antig-damdamin ang eksena niyang tulo-luha na kumakain mag-isa na nag-i-imagine na kasalo niya ang kanyang mga magulang. Lasenggo at sugarol ang mga ito na walang pakialam sa kanya.
Samantala, patindi naman nang patindi ang mga kaganapan sa “Yagit.” Malugod na sinusubaybayan ito ng televiewers. Anila, nakaka-relate sila sa ilang eksena.
Tuwang-tuwa ang cast ng “Yagit” sa magandang feedback sa kanilang afternoon prime drama na pwinamahalaan ni Gina Alajar. Aniya, wala siyang problemang katrabaho ang mga batang yagit dahil mga professional, mababait, masunurin at madaling makakuha ng instructions ang mga ito. Parang mga anak ang turing niya sa mga bagets.
Wish lang ng cast na ma-extend ang “Yagit” para mas matagal pa silang magkakasama sa taping.