GRADUATING sa March this year si Miguel Tanfelix at aniya, excited na siyang mag-marcha. Fourth year high school siya sa Cavite School of Life. Anang Kapuso teen actor at star ng “Once Upon a Kiss” (OUAK), importante sa kanya ang pag-aaral at kahit busy siya sa taping ng OUAK at “Ismol Family,” he makes sure na may time siya for his studies.
“Big achievement talaga ito para sa akin,” ani Miguel.
“Happy at excited ako na makaka-graduate na ako sa March.”
Kahit pagod at puyat si Miguel sa taping at sa iba pang showbiz commitments, kinakaya niyang tapusin ang mga requirement ng school niya.
Pinaghahandaan na rin ni Miguel ang pagkuha ng National Achievement Test para makapag-college siya. Engineering ang kursong kukunin niya. Ani Miguel, gusto rin niyang maging isang piloto.
Samantala, patuloy na kinagigiliwang subaybayan ang mga kaganapan sa OUAK. Nakaka-relate ang mga bagets na kaedad nina Miguel at Bianca Umali sa kilig-kiligang moments nila.
Birthday girls
Birthday ni Yasmien Kurdi noong January 27 at pinili niyang mag-celebrate sa AFP Medical Center kasama ang mga kapuwa January-born ding sina Sheena Halili, Rich Asuncion at Coleen Perez. Isinama pa ni Yasmien ang two-year-old daughter niyang si Ayesha.
At least 80 soldiers ang pinasaya nina Yasmien na naki- sayaw at nakikanta sa kanila. Nagkaroon din ng fun games. Si Tess Bomb ang nag-host ng event.
Magkasama sina Yasmien at Rich sa “Yagit” at patuloy ang mainit na pagtanggap ng televiewers at netizens.
Bilang pasasalamat sa mga tagasubaybay ng naturang afternoon prime ng GMA, naghandog ang cast ng special screening ng Hollywood film na “Annie” para sa ilang kabataan mula sa Childhope Foundation at sa mga Facebook fans. Ginanap ito sa SM Megamall noong Jan. 25. Dumalo ang mga batang yagit na sina Chlaui Malayao, Zymic Jaranilla, Judie dela Cruz at Jemwell Ventinilla. ’Andun din sina Rich Asuncion, Bettina Carlos at Raquel Villavicencio.
Samantala, abangan ang mga susunod na episodes ng “Yagit.” Nabasa na ni Dolores (Yasmien) sa dyaryo ang nalalapit na kasal nina Victor (James Blanco) at Izel (Bettina Carlos). Patuloy kayang lalabanan ni Dolores ang nararamdaman niya kay Victor? O, ibabaling na lang niya ang atensiyon kay Rex (Paolo Contis)?
Good karma
Nakausap namin ang isang reporter na malapit kay Coco Martin. Hindi pa artista noon si Coco ay kilala na at kasama na siya ng reporter at ibang colleagues nito sa mga gimikan. Saksi sila sa naging journey ni Coco sa kanyang showbiz career.
Noon at hanggang ngayong sobrang sikat at mayaman na si Coco ay hindi pa rin ito nagbabago, ayon sa reporter. Humble ever pa rin ang Kapamilya actor at kayang-kaya pa ring abutin ito, di tulad ng iba na bahagya pa lang sumisikat ay unreachable star na.
Minsang nagkaroon ng financial problem ang reporter ay sinubukan niyang lapitan si Coco. Hindi nagdalawang-salita ang reporter at agad-agad ay nag-abot ng tulong si Coco. Kahit marami nang bagong nakapaligid ngayon sa actor at madalang na ang kanilang communication, basta nagkita sila either by chance o sa isang presscon o showbiz event, lumalapit si Coco sa reporter para bumati.
No wonder magagandang blessings ang dumarating kay Coco dahil hindi siya nakakalimot sa mga taong naging bahagi ng buhay niya para marating ang kinalalagyan niya ngayon. Good karma siya.