WALA pang direct confirmation mula kina Jasmine Curtis-Smith at Sam Concepcion tungkol sa balitang diumano’y break na sila. Subalit isang source ang nagkumpirma sa “The Buzz” na totoong hiwalay na sila.
Diumano, may kinalaman si Anne Curtis sa hiwalayan nina Jasmine at Sam. Hindi raw nag-e-effort si Sam na makipag-ayos sa ate ni Jasmine. Matatandaang nagkaroon ng rift between Anne and Sam noong nagkita sila sa isang bar a year or so ago.
Late last year pa diumano nagkalabuan ang relasyon nina Sam at Jasmine. Hindi sila magkasama noong nakaraang Holiday Season dahil nasa Australia si Jasmine.
Maraming pagkakataong pinalampas si Sam para makipag-ayos kay Anne. Inimbita siya noong concert ni Anne. Pero hindi sumipot si Sam. Deadma rin siya sa invitation sa kanya para dumalo sa premiere night ng “Blood Ransom” na tinampukan ni Anne.
Ayon pa sa report ng “The Buzz,” civil naman sa isa’t isa sina Jasmine at Sam kapag nagkikita. Recently raw ay sa isang bar kung saan may kasamang girl si Sam.
SMPPPP
Sinag-Maynila Pelikulang Pinoy, Pusong Pinoy (SMPPPP) ang pinakabagong independent film festival na magkatulong na binuo nina Wilson Tieng, producer ng Solar Entertainment at direk Brilliante Mendoza, world-renowned at internationally acclaimed film director.
Gaganapin ang first ever SMPPPP Film Festival mula March 18 to 24, 2015. Limang indie films ang kalahok. Ipapalabas ang mga ito sa SM Cinemas sa SM Megamall, SM North EDSA, SM Manila, SM Fairview, SM Southmall, SM Mall of Asia (MOA) at sa SM Aura Premier.
Ang limang indie films na kalahok ay “Balut Country,” directed by Paul Sta. Ana, tampok sina Rocco Nacino, Ronnie Quizon, Angela Cortez, Nanette Inventor at Vincent Magbanua; “Bambanti” (Scarecrow) by Zig Dulay, tampok sina Alessandra de Rossi, Julio Diaz, Shamaine Buencamino, Luis Manansala, Micko Laurente, atbp.; “Swap” by Remton Siega Zuasola, tampok sina Mon Confiado, Dionne Monsanto, Matt Daclan, atbp.; “Imbisibol” by Lawrence Fajardo, tampok sina JM de Guzman, Ces Quesada, Bernardo Bernardo, Allen Dizon at Ricky Davao; ”Ninja Party” by Jim Libran, tampok sina Odette Khan, Annicka Dolonius, Bea Galvez, Teresa Loyzaga, Dennis Marasigan, atbp.
Gaganapin ang Sinag-Maynila Awards Night on March 21 sa SM Aura Premier Sky Park. May special citation ang SM sa People’s Choice movie.
Di nakikipagkumpitensiya
Ayon kay Wilson Tieng, binuo nila ang SMPPPP Independent Film Festival para magkaroon ng karagdagang venues and more opportunities sa mga independent filmmaker to show their works. Ayon naman kay direk Brilliante, hindi lamang dito sa Pilipinas ipapalabas ang indie films sa SMIFF, kundi sa ibang bansa. “We need to create audience not only in the Philippines, ’yun ang goal namin,” ani direk Brilliante. “We cannot compete with Hollywood movies. We also don’t compete with mainstream movies. We have to create our own audience. Mas maraming festivals, mas maraming pagkakataong makapaghatid ng marami pang kuwento.”
For the inaugural year of Sinag-Maynila, personally handpicked nina Tieng at Mendoza ang limang indie films na kalahok sa festival. Sa mga susunod na taon, anila, maaari nang mag-apply for a film grant ang mga indie filmmaker na nagnanais lumahok sa festival. Details of the mechanics will be announced soon.