HINDI naman siguro dahil magkasama sina Gerald Anderson at Shaina Magdayao sa “Nathaniel,” bagong teleserye ng ABS-CBN, kaya inamin ni Gerald noong presscon na break na sila ni Maja Salvador. Almost two months nang hiwalay ang dalawa. Subalit hindi sinabi ni Gerald ang dahilan. Nakiusap siya sa entertainment press na irespeto ang kanilang privacy.
Kaya pala hindi sila magkasama nitong nakaraang Holy Week. Ani Gerald, in good terms pa rin naman sila ni Maja at nag-uusap pa rin sila.
Just curious, sino kaya ang tinukoy ni Maja sa post niya sa kanyang Instagram account na dalawang magkasama na iniwan siya?
Ano kaya ang reaction ni Kim Chiu na ang lalaking naging dahilan ng pagkasira ng friendship nila ni Maja ay pareho na nilang ex-boyfriend?
In any case, pilot telecast sa Monday (April 20) ng “Nathaniel” at siguro naman, tatangkilikin ito ng televiewers kahit hindi i-link (kuno!) sa isa’t isa sina Gerald at Shaina. Tampok pa rin ang bagong child star na si Marco Masa bilang Nathaniel, sina Coney Reyes, Pokwang, Ogie Diaz, Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, among others. Sa ilalim ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment Television.
Todo-bigay
Single pa rin si Shaina Magdayao at mukha naman siyang happy kahit loveless for the longest time. Naka-move on na siya sa break-up nila ni John Lloyd Cruz.
Sa presscon ng “Nathaniel,” may nagtanong kay Shaina kung may gusto ba siyang balikan sa mga nakarelasyon niya. Aniya, wala dahil kapag nagmahal siya, ginagawa niya ang lahat para mag-work ang kanilang relasyon. Kumbaga, todo-bigay siya para wala siyang pagsisihan.
For now, focused muna si Shaina sa “Nathaniel” kung saan mother role ang ginagampanan niya. Mag-asawa sila ni Gerald Anderson at anak nila si Nathaniel (Marco Masa). “Swak na swak para sa buong pamilya ang kuwento ng ‘Nathaniel’ dahil sa mga aral at inspirasyon na maibibigay nito hindi lang sa mga kabataan, kundi pati sa lahat ng tao,” saad ni Shaina.
Nalaman na
Sa “Once Upon a Kiss,” nalaman na ni Ella ang deal nina Prince at Giselle. Sasabihin niya ito kay Aurora na ikagugulat nito. Tutok lang sa mga kaganapan sa OUAK.