WALONG Filipino films ang kasali sa Filipino New Cinema Section sa World Premieres Film Festival (WPFF) 2015, organized by the Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pakikipagtulungan ng SM Cinema. Gaganapin ang festival simula June 24 hanggang July 7, 2015 at ipapalabas sa SM Cinemas ang mga napiling entries ng selection committee. About 30 to 40 filmmakers ang nag-submit ng kanilang entries.
Ang eight official entries ay “Ang Kubo sa Kawayanan,” directed by Alvin Yapan, tampok sina Mercedes Cabral, RK Bagatsing at Mark Felix; “Ang Kwento Nating Dalawa,” (Nestor Abrogena) with Nicco Manalo and Brian Corella; “Filemon Mamon” (Will Fredo), with Miles Ocampo, Smokey Manaloto, Rayver Cruz, Christian Bautista, Nanette Inventor, Giselle Sanchez, Joshua Colet and Jerome Ignacio; “I Love You, Thank You” (Charliebebs Gohetia), with Joross Gamboa and Ae Pattawan (Thai actor);
“Maskara” (Genesis Nolasco), with Ping Medina, Lance Raymundo, Lester Llansang and Boots Anson-Roa-Rodrigo; “Of Sinners and Saints” ( Ruben Maria Soriquez), with Polo Ravales, Raymond Bagatsing, Chanel Latorre, Richard Quan , Sue Prado; “Sino Nga Ba si Pangkoy Ong?” ( Jonah Lim), with Kiko Matos, Paulo de Vera, Elston Jimenez, Hazel Faith dela Cruz, Coleen Perez and Lara Villar; “Piring” (Carlos Morales), with Bembol Roco, Tessie Tomas, Krista Miller, Yussef Esteves.
Sa June 28 ang Awards Night na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena. Bukod sa “Filipino New Cinema” section ng WPFF, meron ding Main Competition, Cine Verde at Parallel sections (Euroview, ASEAN Skies, Ibero-America at Eurasian Cinescape). Overall, 60 to 70 films mula sa iba’t ibang bansa ang ipapalabas sa WPFF. Kasabay nito ang International Film Exposition (IFX), one of the premier Film Expositions and Film Markets in South East Asia na gaganapin mula June 26 hanggang June 28 sa SMX Convention Center.
Dream come true
Dream come true kay Carlos Morales ang makapagdirek ng pelikula, kaya masaya siya na nakasama sa eight official entries sa Filipino New Cinema section ang “Piring” (Blindfold). First directorial job niya ito at aniya, noon pa niya talaga gusto magdirek. Kapag may TV show o pelikula siyang ginagawa, nag-o-observe siya sa kanyang director. Pinag-aaralan din niya ang mga camera angles.
Ani Carlos, mahirap maging director. Halos hindi siya makakain noong gawin niya ang “Piring.” Sobrang stressful dahil aniya, sobrang tutok siya sa mga eksena. “Pag artista ka lang, pagkatapos ng mga eksena mo, pwede ka nang mag-relax. Iba kapag director dahil nasa iyo ang lahat ng responsibilidad,” sambit ni Carlos.
Eight to nine shooting days ang “Piring” at ayon kay Carlos, base sa pinaghalu-halong personal experiences ng mga istambay na nakausap niya ang istorya ng pelikula na siya rin ang sumulat. Tungkol ito sa isang working student na nagsisikap suportahan ang kanyang magulong pamilya sa kabila ng temptation ng corruption sa kanyang kapaligiran.
Reunited
Pinagbigyan ng GMA7 ang maraming hiling ng fans and supporters nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na pagtambalin sila muli sa isang teleserye. Sa kanila ibinigay ang project na “My Faithful Husband” na sa August ang umpisa ng taping.
Aminin na rin kaya nila na nagkabalikan na sila? I-timing kaya nila ’yun kapag malapit na ang airing ng kanilang reunion project sometime in September this year? Abang-abang na lang pag may time.