LUMABAS na ang karakter ni Mark Neumann bilang adult Takgu sa “Baker King.” Ani Mark, masaya siya sa magandang feedback since the initial airing nito on May 18 sa TV5 at 9:30 p.m.
Biggest break ito ni Mark at sobrang thankful siya sa tiwala at magandang pagkakataong ibinigay sa kanya ng Kapatid Network na gampanan ang iconic character ni Takgu sa first-ever Philippine adaptation ng Korean hit series na “Baker King.”
“I’m giving my best talaga sa show. Thankful ako kay direk Mac Alejandre who always guides me sa mga eksena ko. Talagang inaalagaan niya ako,” lahad ni Mark.
Nahihirapan lang daw siya sa heavy dramatic at action scenes. Nag-undergo siya ng strenuous physical training para sa fight scenes.
Kasama rin sa “Baker King” si Akihiro Blanco at aware si Mark na pinagkukumpara sila acting-wise. Ani Mark, hindi naman maiiwasan ’yun na para sa kanya’y healthy competition. Mas lalo raw siyang natsa-challenge na pagbutihin lalo ang performance niya.
Magkasama rin sila ni Akihiro sa “Happy Truck ng Bayan” na magpa-pilot telecast ngayong araw, Linggo at 11 a.m. Kasama nila ang Kilig Teen Barkada na sina Vin Abrenica, Sophie Albert, Shaira Mae dela Cruz at Chanel Morales. May dance number si Mark. Sa isang barangay sa Tondo, Manila sila nag-taping para sa initial telecast ng HTNB.
Ambassador
Honored and proud naman si Mark Neumann na nahirang siya bilang ambassador ng Operation Smile.
Pinamamahalaan ito ng isang non-governmental organization na nagsasagawa ng libreng operasyon para sa mga batang bingot (cleft palate). On Tuesday (June 16), nasa Sta. Ana Hospital si Mark para saksihan ang isasagawang operasyon sa mga batang bingot. At para na rin magbigay-suporta sa mga ito.
Happy rin si Mark na nominated siya for Young Male Artist of the Year sa PEP’s Choice Awards. Co-nominees niya sina Darren Espanto, Manolo Pedrosa at Ruru Madrid.