MUKHANG nangangamoy balikan sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.
Hindi inaasahan at ikinagulat ni Aljur ang pagpunta ni Kylie sa Studio 7 ng GMA Network Annex para panoorin ang specialized acting workshop na isinagawa ng GMA Artist Center para sa ibang talents nito. Isa sa mga naging participant si Aljur.
Tiyempong si Aljur ang nakasalang sa workshop kaeksena ang ilang GMAAC talents nang nakita niya sa audience si Kylie. Hindi naman siya na-distract sa presence nito, ani Aljur. Friends naman sila ng kanyang ex-GF.
Posible kayang magkabalikan sila ni Kylie? Ani Aljur, open siya for a possible reconciliation. Single ngayon si Kylie dahil break na sila ni Matt Henares at siya (Aljur) ay nanatiling single matapos silang mag-break ni Kylie. Owwsss???
Si direk Laurice Guillen ang nangasiwa sa specialized acting workshop at naitanong kung ano’ng masasabi niya sa acting ni Aljur. “May ibubuga naman siya. He’s very careful. He’s trying his best. May mapipiga sa kanya,” sambit ni direk L aurice.
Kumusta naman ang ibang workshoppers? “Mababait naman sila. Hindi nila ako pinaghihintay. ’Yung iba, kailangang baguhin ang movements. May madaling turuan, merong mahirap, kaya napapagalitan ko. Nasisigawan ko (laughs).
“Dapat, basahin nila ang buong script, hindi ’yung parte lang nila para maintindihan nila ang eksena,” lahad ni direk Laurice.
Kilig-kiligan
Feeling prinsesa si Toni Aquino (anak ni Ruby Rodriguez) at thankful siya sa importansiyang ibinigay sa kanya ng TV5 noong nag-celebrate siya ng kanyang birthday sa “Happy Truck ng Bayan” last Sunday (June 28) na ginanap sa Marikina High School.
Kilig-kiligan si Toni nang palibutan siya ng mga poging Kapatid stars na sina Mark Neumann, Vin Abrenica, Martin Escudero, Akihiro Blanco at Alwyn Uytingco sa kanyang “Twerk It Like Miley” birthday dance number.
Napaiyak naman si Toni nang kantahan siya ng Happypeeps na pinangunahan ni Gelli de Belen.
Guest co-host si Ruffa Gutierrez na binati rin ng Happy Birthday. Magkakaroon siya ng sitcom sa TV5. Guest co-host din si Bianca King, isa sa mga host ng “Showbiz Konek na Konek.”
Magkakaroon ito ng second season, taliwas sa mga naunang report na tsutsugiin na ito.
Wanted: GF
Last seven taping days nalang ang “Yagit,” ayon kay Renz Fernandez nang nakausap naming sa specialized acting workshop ng GMA Artist Center. Sa pagkaalam niya, hanggang July or August nalang ang kanilang afternoon prime series.
Wala pa raw siyang next project, ayon kay Renz, kaya nag-aalala siyang baka mawalan na siya ng trabaho.
Ayaw raw niya ng walang ginagawa. Nag-iipon siya for his future family, kaya gusto niya’y parating may trabaho.
Wala pa nga lang siyang girlfriend ngayon at naghahanap pa siya.
Hindi lumusot ang pagpaparamdam niya kuno kay Alessandra de Rossi na co-star niya sa “Yagit.” Sinopla agad siya nito na mambobola at lahat ng babae’y type niya. Award agad si Renz.
In any case, anang anak ni Lorna Tolentino and the late action star Rudy Fernandez, marami siyang natutunan sa specialized acting workshop ng GMA Artist Center. Mahusay raw magturo si direk Laurice Guillen at talagang “pinipiga” sila para mailabas ang acting talent nila. Ang galing daw mag-motivate ng lady director.