SO, lumabas din ang katotohanan kung bakit biglang tinapos noon ang “Iglot,” una’t huling teleserye ni Claudine Barretto sa GMA7. Na-blind item noon na naging sakit ng ulo ng production staff ang pagkakaroon ng attitude problem ni Claudine. Kesa ipagpatuloy pa ang series, tinapos na lang ‘yun nang wala sa takdang panahon.
Sa isang presscon, ipinagtapat ni Jolina Magdangal na nakasama ni Claudine sa “Iglot” na nagkaroon talaga ng problema sa pagtatrabaho nila, kaya tinapos agad ang serye. Nagkaproblema raw si Claudine at naapektuhan ito.
Parehong balik Kapamilya network sina Jolina at Claudine. Agad may projects si Jolina. Naging bahagi siya ng “Your Face Sounds Familiar” at magtatapos na ang afternoon series Flor de Liza kung saan magkasama sila ni Marvin Agustin. May follow-up project agad si Jolina na isang primetime series with Toni Gonzaga.
Si Claudine, waley pa rin teleserye . Nganga pa rin. Pelikula ang gagawin niya, kasama si Kris Aquino. Sana’y maging smooth-sailing ang pagtatrabaho nila ni Kris.
Mall show
Nasa Urdaneta, Pangasinan sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado on July 23 para sa isang Kapuso Mall Show. Ka-join din ang “Let the Love Begin” stars na sina Ruru Madrid, Gabbi Garcia, Phytos Ramirez at Donita Rose. Gaganapin ang show sa open parking ng Magic Mall at 4 pm.
First mall show ito na magkasama sina Dennis at Jennylyn na bale promotion na rin ng upcoming GMA series nilang “My Faithful Husband.” Nakapag-umpisa na silang mag-taping na anila, pareho silang excited sa balik-tambalan after “Gumapang Ka Sa Lusak” na ginawa nila several years ago.
Memorable sa kanila ang naturang afternoon series dahil d’un sila naging close, nagkadebelopan hanggang nagka-in-love-an. Maging love is lovelier the second time around kaya for Dennis and Jennlyn?
Nagpaparamdam pa lang
Nagpaparamdam pa lang, pero hindi pa officially nanliligaw si Ruru Madrid kay Gabbi Garcia. Aniya, hihintayin niya munang mag-18 years old si Gabbi. Sixteen lang ngayon ang Kapuso tweenstar, 17 naman si Ruru.
Hindi kaya sila magka-problema sa kanilang religion? Iglesia ni Cristo si Ruru, Roman Catholic naman si Gabbi. Parang batas sa INC na kailangan ay parehong INC ang magka-relasyon (mag-BF-GF o mag-asawa). Mahikayat kaya ni Ruru si Gabbi na magpa-convert sa INC?
For now, inspirasyon niya si Gabbi, ani Ruru. Nakadalawang stanza na siya ng kantang tinatapos niya para kay Gabbi. Sorpresa sana niya ‘yun kay Gabbi, pero noong nakita niyang sad ito, sinabi na niyang may ginagawa siyang kanta for her para mapasaya niya ito. How sweet!!!
Mga pasabog
Abangan ang “happypeeps” ng “Happy Truck ng Bayan” sa Dakota Park Paraiso ng Batang Maynila sa Malate. Doon naman sila magbibigay ng tuwa, saya at sangkatutak na papremyo.
Tutok lang sa HTNB sa TV5, 11 a.m., ngayong Linggo. Huwag palampasin ang mga pasabog ng game-musical-variety show na ito.