EXCLUSIVELY dating for over a year sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Very special sila sa isa’t isa. “What you see is what you get,” sabi ni Tom sa presscon ng “No Boyfriend Since Birth” (NBSB).
Hindi pa rin inamin ng dalawa na officially together na sila kahit ano’ng piga o push ng entertainment writers sa totoong estado ng kanilang relasyon. “Gusto lang naming alagaan kung anuman meron kami. Hindi namin pinaglalaruan ang publiko,” saad naman ni Carla.
Aniya pa, lahat ng bagay ay may tamang panahon. Ayaw nilang pilitin at walang pressure sa kanila ni Tom. “One day at a time lang muna. In God’s perfect time, ready ako pagdating ng tamang panahon. Kung ano ang gustong i-label ng press sa amin, bahala kayo,” lahad pa ni Carla.
Ayon naman kay Tom, hindi siya mag-aaksaya ng panahon kay Carla kung hindi siya seryoso sa intensiyon niya sa dalaga. Sigurado raw siya sa nararamdaman niya for her. “I’m hopeful. I always pray for it. She’s very, very special to me,” ani Tom.
Sa “No Boyfriend Since Birth,” Carla plays Karina na umaasang ang kanyang high school crush na si Carlo (Tom) ang makakasama niya forever. Kaya lang, deadma ever ito sa kanya, kahit ano’ng gawin niya para mapansin siya nito.
Si Joey Reyes ang direktor ng NBSB na ayaw sagutin ang tanong ng press kung totoo bang mag-BF-GF na in real life sina Tom at Carla. “They’re very close. They get along very well together. Ayokong maging assuming kung ‘sila’ na,” pag-iwas ni direk Joey.
Kasama rin sa cast ng NBSB sina Mike Tan at Bangs Garcia. Prodyus ng Regal Entertainment ito at showing on Nov. 11 sa mga sinehan nationwide.
Biggest event ever
Touching ’yung kuwento tungkol sa isang lolo na pumila ng mahigit anim na oras para makabili ng ticket sa “Tamang Panahon” event ng AlDub at “Eat Bulaga Dabarkads.” Nakapila ang lolo sa ticket worth R600. Pero naubusan na, kaya okey na sana si lolo sa R350.
Kaya lang, naubusan na rin, kaya no choice si lolo kundi sa R150 na lang. Noong nalaman ni Maine Mendoza (Yaya Dub), ipinahanap niya si lolo at binigyan ng VIP ticket.
Ang dami pang naghahanap ng ticket, hindi lang dahil gusto nilang mapanood ang charity event ng AlDub, kundi dahil gusto rin nilang makatulong at maging bahagi sa pagpapagawa ng AlDub libraries sa mga eskuwelahan nationwide.
Bukas na ang biggest event ever ng “Eat Bulaga” sa 36 years nito sa ere. Parang boxing bout ni Manny Pacquiao na inaabangan hindi lang nationwide kundi worldwide. Ganyan kinasasabikan ang magaganap sa Philippine Arena na tiyak magwo-worldwide trending na naman.
May libreng bus papuntang Philippine Arena. Meron sa Broadway Centrum, Cubao station at Navotas. Maaga kayong pumunta dahil 6 a.m. ang first trip, 7 a.m. ang second trip. First come, first served para sa mga ticket holders.
Sabi ni Lola Nidora (Wally Bayola), may sorpresa siya para sa team abroad ng AlDub Nation. Marami pa siyang kuwento sa gaganaping big event. So, abang-abang na lang, mga EB Dabarkads sa malaking pasabog.