Pagkatapos ng mga matitinding bashing mula sa social media pagkatapos siyang mapanood ng netizens na nagpe-perform sa mga campaign rallies ni Vice President at presidential candidate Jejomar Binay at ng anak nito na si Makati representative and mayoralty hopeful Abby Binay, nag-post ng isang mahabang statement ang Pinoy rapper na si Gloc-9 sa kanyang Facebook page para masagot ang mga katanungan at panghuhusga sa kanya ng marami.
“Paumanhin po kung hindi nasunod ang gusto ninyo at mawalang galang na din po sa mga nagsasabing hindi pwedeng TRABAHO LANG ITO dahil ITO LAMANG NAMAN PO ANG TRABAHO KO,” panimula pa ni Gloc-9.
“Hindi po ito hobby na naging trabaho ito po ay isang pangarap na ipinaglaban ko ng halos dalawang dekada sa kahit na saan ano at kanino at maitutuloy ko lamang ito kung ito ang magiging hanapbuhay ko.
“Ako ay kumakanta sa entablado ng ibat ibang kandidato, marahil ay hindi nyo lang gusto ang isang entabladong sinampahan ko.
“Katulad ng lahat may kanya kanyang dungis na ibinabato sa bawat isa sa kanila gayonpaman i wish all the candidates good luck sa darating na elections at naway ang mapipili ay tunay na mag sisilbi at tamang mamumuno sa bayan natin.
“At sa may mga sama ng loob kung sakaling ang lahat po ng bintang duro at akusasyon ninyo sa huli ay mapapatunayang tama at tunay hihingi po ako ng tawad ngunit hindi sa kahit na sino man dahil higit sa aking pagiging manunulat ng awitin, higit sa aking pagiging ehemplo at higit sa aking pagiging mamamayan ako po ay isang Ama.
“Hihingi ako ng tawad sa aking mga anak dahil naniniwala ako na sa kanila lamang ako may pananagutan.”
Ayon din sa statement ng management ni Gloc-9 na PPL Entertainment, nagpe-perform din ang rapper sa iba’t ibang campaign rallies at wala itong anumang affliation sa mga pinagtatanghalan nito.
“That it is this Makati gig that has gotten mileage is no surprise, and that has more to do with the media than with Gloc-9.
“To Gloc-9 management this was just a regular sortie gig for a local candidate, no different from the sorties before it, and the sorties that will come after it.”
Noong nakaraang February, na-acquire ng Binay campaign ang rights sa isang rap song ni Gloc-9 na “Pareho Tayo”. Pero hindi ibig sabihin daw na si Binay na ang kanyang ini-endorse.