PARATING maganda ang umaga ng Kapuso viewers kapag nanonood sila ng “Yan ang Morning.” Nakaka-good vibes kasi ang ngiti ng host nitong si Marian Rivera-Dantes.
Always smiling si Marian kapag nagsasalita siya. Dagdag points sa maganda niyang face. Nasasalamin sa kanyang aura ang ganda at saya ng buhay niya bilang misis ni Dingdong Dantes at ina ni baby Zia.
Bilang host ng YAM, agree kami kay direk Louie Ignacio na kayang-kaya ni Marian ang bago niyang career. Sabi nga ni Direk, alam ni Marian ang ginagawa niya.
Maraming natututunan ang viewers sa iba’t ibang interesting topics na pinag-uusapan sa YAM. Pati sa DIY (Do It Yourself) segment at sa healthy exercises.
Beautiful girl
Ang ganda-ganda ni Janine Gutierrez. Walang pinipiling anggulo ang beautiful face niya kapag pinanonood namin ang “Once Again.” Ang ilang kapuwa female Kapuso stars ni Janine ay gandang-ganda rin sa kanya at talagang pinanonood nila ang drama series niya sa GMA7.
Acting-wise, pasado si Janine. Dugong-artista talaga ang nananalaytay sa kanyang mga ugat. Artista ang mga magulang niyang sina Ramon Christopher at Lotlot de Leon. Apo siya nina Christopher de Leon at Nora Aunor. Mahusay rin ang Tita Jackielou Blanco ni Janine.
Positive ang mga review sa “Once Again,” kaya thankful si Janine sa viewers nito. Nakitaan din ng chemistry sina Janine at Aljur Abrenica.
Sa kabilang banda, na-master na ni Thea Tolentino ang bad girl role. Ang daming viewers ang nagagalit sa karakter niya bilang Celeste sa pang-aapi at pagtataray niya kay Janine sa “Once Again.” Effective kontrabida si Thea. Pwede siyang maging tagapagmana ni Gladys Reyes.
Samantala, tutok lang sa mga kaganapan sa “Once Again” na napapanood gabi-gabi sa GMA Telebabad.
Balik-akting
Balik-akting si Gina Alajar sa upcoming Afternoon Prime series ng GMA7, ang “Magkaibang Mundo.” Gaganap siya bilang Noreen, ang main kontrabida na magpapahirap kay Louise de los Reyes (as Princess).
Grabeng pahirap (physically) ang gagawin niya kay Louise. Aniya’y minsan nakukunsiyensiya siya. “Ang bait niya.
Okey sa kanya ang mga pananakit ko sa kanya. Never siyang nagreklamo. Minsan, nakukunsiyensiya na ako (laughs),” ani Gina.
Asked kung sino sa kanila ni Jaclyn Jose ang mas magaling magkontrabida, ani Gina, “Gusto n’yo ng intriga? Sige, isulat n’yo, d’un n’yo makikita kung sino sa amin ang mas magaling (laughs),” ani Gina.
Aniya pa, pinaputi ang kanyang buhok dahil ’yun ang gusto ng production team para new look siya. “Nu’ng ipadala sa akin ang story line ng “Magkaibang Mundo,” na-impress ako, kaya tinanggap ko agad ang role,” lahad ni Alajar.
Sa May 23 ang pilot telecast ng “Magkaibang Mundo” after “Eat Bulaga” sa GMA Afternoon Prime.
Not meant to be
Maybe, not meant to be a politician si Phillip Salvador. Second attempt na niyang kumandidato bilang vice governor ng Bulacan. But then again, lost siya. Tinalo siya ni Daniel Fernando na kapuwa niya artista.
Gustung-gusto pa naman maglingkod ni Phillip bilang isang public servant. Kung sana’y nabigyan siya ng pagkakataon.
Pero bakit ba si Richard Gomez? Tatlong beses siyang kumandidato. Hindi siya sumuko and finally, nagwagi siya bilang mayor ng Ormoc City.
Kapag may ginusto kasi si Goma, hindi siya sumusuko. Talagang pinangangatawanan niya ang bawat larangang pasukin niya. He always gives his best and dedication. Tulad sa kanyang pagiging artista at atleta. At ngayon, bilang isang public servant, for sure, kakaririn ito ni Goma. Patutunayan niyang hindi nagkamali sa pagboto sa kanya ang constituents niya sa Ormoc City.