SMALL but terrible ang GMA Artist Center talent na si Therese “Teri” Malvar. Maihahalintulad siya kay Nora Aunor na bulilit din ang height, pero ang husay umarte.
Unang napansin ang husay sa pag-arte ni Teri sa indie movie na “Ang Huling Cha-Cha ni Anita” kung saan gumanap siya bilang isang lesbian. Naging mapangahas din ang role ni Teri sa isa pang indie film na “Hamog” na ang tema ay tungkol sa juvenile delinquents. Nanalo siyang best actress sa naturang movie mula sa local award-giving bodies.
Dahil sa mapangahas na role ni Teri sa dalawang naturang indie films, isa siya sa mga recipient ng Screen International Rising Star Asia Award mula sa 15th New York Asian Film Festival (NYAFF) 2016. Ani Teri, isang malaking karangalan ’yun para sa kanya at maging representative ng Pilipinas sa naturang prestigious film festival.
“Gusto kong pasalamatan ang NYAFF sa paniniwala sa akin. Ang recognition na ito’y magsisilbing inspirasyon para mas lalo kong pagbutihin ang aking craft. Passion ko talaga ang acting,” ani Teri.
Debutante
Eighteen years old na sa December si Gabbi Garcia at naghahanda na siya sa gaganaping debut party niya. Dec. 2 ang birthday niya, pero dahil tumapat ’yun sa Friday, gagawin niyang December 3 (Saturday) ang kanyang birthday party.
“Para mas marami ang makapunta. Gusto ko, naka-gown at suit ang mga bisita ko para classy ang dating,” saad ni Gabbi.
Nakipag-meeting na siya sa mga taong tutulong sa kanya para sa kanyang bonggang debut party. Wala pang ibang detalye dahil pag-uusapan pa nila, ayon kay Gabbi.
Tanong ng bayan, si Ruru Madrid kaya ang maging escort at last dance ni Gabbi? Pwede na kaya siyang pormal na ligawan ni Ruru? Sa mga interbyu kasi sa kanila, ang press release nila’y wala pang ligawan dahil bata pa siya (Gabbi).
Pauso
Mukhang pinapauso ng GMA7 ang naughty and nice show. Nauna na ang “Juan Happy Love Story” nina Dennis Trillo at Heart Evangelista. Nagsimula na ito noong Lunes, May 16. Napapanood ito Monday to Friday.
Every Thursday naman ang isa pang upcoming naughty and nice show, “A1 Kosa ’Yo (as in Ewan Ko sa ’Yo),” tampok sina Solenn Heussaff, Benjamin Alves, Sef Cadayona, Jaclyn Jose, Gardo Verzosa at Gie Canlas.
Funny and sexy story ito tungkol sa mga taong gustong magtagumpay sa buhay. Sa June 2 ang simula ng “A1 Ko sa ’Yo” sa GMA Telebabad.
Isang malaking karangalan
Aware si Willie Revillame na maraming offers ang ibang networks kay Ariella Arida. Pero mas pinili ng dating beauty queen ang maging co-host niya sa “Wowowin.”
“Sabi niya, feeling daw niya, mas masaya rito (WWW). At saka, gusto niya raw ’yung programang bukod sa nakakatulong ay nagbibigay pa ng saya. Siyempre, isang malaking karangalan na isang beauty queen ang co-host ko,” saad ni Willie.
Nagbalik-ere noong Lunes, May 16, ang WWW at doble saya ang supporters ni Willie dahil lahat ng studio audience ay binigyan niya ng cellphone.