Ipinahayag ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang matagumpay na 2016 Local at Natinoal Elections sa lungsod ng Quezon.
Ayon kay QCPD director Police Chief Supt. Edgardo G. Tinio, kanilang nakamit ito dahil na din sa kanilang naitatag na contingency planning, peace covenant, unity walks, simulation exercises at pakikipagpulong ng District Joint Security Control Center (DJSCC), Commision on Elections (Comelec) officials, QCPD at ang Armed Forces of the Philippines.
Bukod pa dito ay nagpakalat ang QCPD ng 4,502 police personnel, 224 na augmentation buhat sa military sa araw mismo ng eleksyon na siyang nagtiyak ng isang maayos na local polls.