ZAMBOANGA CITY – Labing-siyam na katao ang napaulat na namatay dahil sa Acute Gastroenteritis matapos magkaroon ng diarrhea outbreak simula pa noong Abril sa lungsod na ito.
Ayon kay Dr. Ivy Iturralde ng Epidemiology and Surveillance Unit, tumaas ang bilang ng mga namatay base sa kanilang monitoring hanggang May 15 kung saan ang mga biktima ay may edad na dalawang buwan hanggang sa 50-anyos.
Ibinuyag pa ni Iturralde na labing-anim sa mga naging biktima ng AGE ay edad limang taon pababa, walo sa mga ito ay namatay dahil sa sinasabing ‘co-morbidities’ na ang dahilan ay pneumonia, malnutrition, meningitis, at myocardial infarction.
Karamihan pa sa mga namatay ay galing sa Zamboanga City Medical Center.
Ayon ka sa kanilang ulat, aabot ng 100 o 72 percent ng mga kaso ay gumamit ng tubig buhat sa mga refilling stations habang 21 percent o 29 na biktima ay gumamit ng tubig buhat sa Zamboanga City Water District. Twenty-nine percent naman sa mga ito ay nagsabing kanilang pinakuluan ang kanilang tubig bago inumin.
Sa kabila nito ay patuloy ang pagpapa-alala ng City Health Office ukol sa paggamit ng malinis na inumin.