ILOILO CITY – Sa kabila ng paminsan-minsang pagbuhos ng ulan, nangangamba pa rin ang Department of Environment and Natural Resources (DENR-6) sa maaaring pagsiklab ng forest fires sa mga kagubatan Western Visayas region dahil sa tindi ng init na nararanasan sa rehiyon.
Ayon kay DENR-6 Regional Director Jim Sampulna, ang buntot ng El Niño climate phenomenon ay maari pa ring magdulot ng matinding init at magsimula ng forest fires. Para mabawasan ang pinsala, nagsagawa kamakailan ang DENR-6’s Enforcement Division ng fire management training para sa forest rangers and technicians mula sa Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, at Iloilo.
“We need to capacitate those who are in the field. We must teach them how to contain grass fires within the alienable and disposable (A & D) land areas so it would not spread to the forested areas,” sabi ni Sampulna. (Tara Yap)