Pitong katao ang arestado samantalang 69.5 kilos ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng R350 million ang nasamsam mula sa kanila sa isang buy-bust operation sa Bulacan kahapon.
Ang mga suspek na nahuli ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Group ay nakilalang sina Leonardo Pedrosa, alias “Hector”; Christian Ulra, 22; Jaime Halili, Frans Espaldon, Gylnel Base, at Junvi Ivory Base, at isang menor de edad.
Unang natimbog sina Pedrosa, Ulra, at ang menor de edad pagkatapos nilang magbenta ng 12 kilo ng shabu sa mga PDEA poseur buyers sa bypass road, Barangay Sta. Clara, Sta. Maria.
Nakatakas si Halili na nagaantay sa isang kotse pero siya ay naaresto sa isang kalapit na bahay. Naaresto ang ibang mga suspek at nasabat ang 57.5 kilos ng shabu sa isang follow-up operation. (Francis T. Wakefield)