Nagpalabas ng red tide alert ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Western Samar matapos na magpositibo sa red tide toxin ang Irong-Irong Bay.
Base sa resulta ng laboratory exams na isinagawa ng BFAR at local government units (LGUs), hindi ligtas kainin ang mga shellfish na nakuha sa Irong-Irong Bay. Samantala, ligtas naman kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimasag na mahuhuli roon kung lilinising mabuti at aalisin ang mga lamang loob ng mga iyon. (Ellalyn B. De Vera)