CAGAYAN DE ORO CITY – Binalaan ni Senador Cynthia Villar ang mga miyembro ng Cold Chain Association of the Philippines (CCAP) laban sa mga smugglers na ginagamit ang ilang cold stores para sa kanilang mga iligal na aktibidad.
Ginawa ni Villar, Senate Committee on Agriculture and Food chair, ang babala nang magsalita siya sa 14th Annual General Membership Meeting and Training Conference of CCAP na ginanap mula Hunyo 8 hanggang Hunyo 10 sa Limketkai Luxe Hotel dito sa lungsod.
Sinabi ni Villar sa mga delegado na nalaman niya ang masamang gagawin ng mga smugglers nang maglibot siya buong bansa para alamin ang dahilan ng talamak na smuggling.
“I found out that smugglers are using some cold stores to carry out their illegal trade,” pahayag ni Villar.”
Nalaman namin na may mga smugglers na binabayaran ang ibang cold stores sa probinsya para huwag tanggapin ang mga crops or harvest ng mga farmers or farmers’ groups or coops para mabulok ang mg ito.
Of course, kapag nabulok ang mga local produce, mabebenta ang mga imported ones, at kasama na rin ang mga smuggled,” ayon pa kay Villar.
“I know that like any legitimate and upstanding organizations, you can police your ranks. You also represent their individual and collective interests in policy-making, standards-setting and industry development,” sabi ni Villar. (Camcer Ordonez Imam)