Isang Philippine Eagle (Pithecophaga jefferyi) ang nailigtas sa pagkakabitag kamakailan sa kagubatan ng bayan ng San Luis town, Aurora, ayon sa report ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region 3 nitong Huwebes.
Sinabi ni Joey Blanco, DENR provincial chief ng Aurora, na ang batang Agila ay natagpuan ng magsasakang si Eugene Nace noon Hunyo 1 na na-trap sa isang bitag na kilala sa tawag na “silo.”
“The eagle was found inside the forests of Aurora Memorial National Park (AMNP) known for its rich biodiversity. One of the eagle’s claws was trapped in the “silo” but the wildlife sustained no serious injuries in the ordeal,’’ said Blanco.
Ang nailigtas na ibon ay nasa pangangalaga ngayon ng DENR Biodiversity Management Bureau (BMB) kung saan aalagaan ito hanggang maging handa na itong ibalik sa kanyang natural na tahanan. (Franco G. Regala)