Hindi natiis ng isang residente na iwan ang palaka na kaniyang nasagasaan habang naglilinis ng kanilang damuhan sa Queens land.
Ayon kay Min Tims, laking gulat niya nang kaniyang makita na may malaking sugat sa ulo ang isang palaka matapos madaanan ito ng lawn mower na kaniyang ginagamit.
Agad niya itong ginamot at matapos nito ay hinanap niya sa Internet kung saan ang pinakamalapit na pagamutan para sa mga katulad ng kaniyang naaksidente.
Nadiskubre ni Tims ang Frog Safe, isang ospital na ang tanging sineserbisyuhan ay mga palaka.
Hindi naman naging balakid para kay Tims na aabutin ng 100 kilometro ang layo ng naturang ospital.
Inabisuhan na ni Tims ang Frog Safe na kaniyang ipadadala sa Rex Airways ang palaka papunta sa kanilang ospital.
‘We knew that he had an underlying condition because he was out on the lawn during the day, but the wound itself was also infected and the tissues above where the blade had skimmed over the shoulder bone were necrotic,’ Deborah Pergolotti, presidente ng Frog Safe.
Hinihinalang isang Green Tree frog ang naaksidente ni Tims, isang uri ng palaka na sinasabing nasa endangered list.
“Compassion and empathy for all is what the future of this planet is dependent upon,” ayon pa kay “Pergolotti. “If people can nonchalantly turn away from someone who needs help – including small animals – then we as a species may not deserve to be helped ourselves.”