Dinakip ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang hinihinalang drug pusher matapos na makumpiska sa kanya ang R245,000 halaga ng shabu at marijuana sa isinagawang buy-bust operation sa South Cotabato nitong Lunes.
Ayon kay PDEA Director General Arturo G. Cacdac, Jr., nadakip si Virgilio Libo-on Brillo Jr., residente ng Barrio 2 Proper, Banga, South Cotabato, dakong 11 a.m.
Napag-alaman na si Brillo ay dating driver ng Local Government Unit-Municipality of Banga, South Cotabato.
Sinabi ni Cacdac na inaresto ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 12 (PDEA RO12) si Brillo matapos siyang magbenta ng isang pakete ng marijuana sa isang poseur-buyer sa Purok Pag-asa, Barangay Punong Grande, Banga, South Cotabato.
Nasamsam mula kay Brillo ang isang sako ng dried marijuana leaves na may timbang na pitong kilo at isang canister na naglalaman ng limang pakete ng shabu, at drug paraphernalia.
Nagawang makatakas ng ng mga kasapakat ni Brillo na nakilalang sina Jun Anthony Esteva at alyas Toto.
(Francis T. Wakefield)