LAGAWE, Ifugao – Isang miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang pinatay ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa daan ng Tinoc, Ifugao.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Agustin Bugtong Andres, 34, miyembro ng Tinoc Patrol Base Alpha Company ng 77th Infantry Battalion ng Philippine Army na naka-base sa Ifugao.
Base sa imbestigasyon, nakasakay ang biktima sa bubong ng jeepney na minamaneho kanyang kapatid na si Rico papuntang Nueva Viscaya noong ika-2 ng hapon ng Biyernes nang huminto ang sasakyan dahil sa nakaharang na bato sa daan.
Ilang sandali pa, biglang lumitaw ang tatlong lalaki mula sa isang tent at pinababa si Andres mula sa bubong ng jeep. Nang makababa na siya, isang pang CAFGU member ang pinababa ng mga armadong lalaki mula sa kanyang motorsiklo.
Kinuha rin ng mga suspek ang cellphones at CAA ID ng dalawa. Matapos nito, inutusan ng mga suspek and driver ng jeep na paandarin na ang sasakyan.
“Umuna kayon, ibatiyo paylang dagitoy awan metlang dakes a mangyari kenyada, urayen mi lang kapitan gumhang ken ni mayor ta agtutongtong kami.”
(You may proceed, the two will be left, nothing bad will happen to them for we will just wait for the barangay vaptain of Gumhang and the municipal Mayor for us to talk.), sabi ng isa sa mga suspek.
Makaraan ng ilang minutong pagtatanong, pinawalan ng mga salarin ang pangalawang CAFGU member at binaril naman si Andres nang nakaluhod. (Zaldy Comanda)