Nagtala ng kasaysayan si Grandmaster at National Chess Federation of the Philippines (NCFP) executive director Jayson Gonzales matapos isagawa ang pinakamabilis na panalo sa loob lang ng limang moves kontra NM Michael Gatel sa ikalawang round ng 2016 National Chess Championships Grand Final-Battle of Grandmasters.
Sinamantala ni Gonzales ang blunder ni Gatel sa isinagawa nitong Queens Gambit Accepted opening upang agad na sukulin ang King tungo sa pagsungkit ng panalo na nagtulak dito upang makisalo sa liderato ng ginaganap na 13-round na torneo para sa magrerepresenta sa bansa sa 42nd World Chess Olympics sa Baku, Azerbaijan.
“It was a big blunder,” sabi lamang ni International Arbiter Gene Poliarco at Chief Arbiter Elias Lao. “Nagmamadali kasi si Gatel dahil medyo na-late at naghahabol na sa oras dahil na-trapik,” sabi ni Poliarco. (Angie Oredo)