Inokupahan nina Grandmaster Jayson Gonzales at International Master Chito Garma ang liderato sa kalalakihan habang apat naman ang magkakasalo sa unahan sa kababaihan matapos ang apat na round ng ginaganap na 2016 National Chess Championships-Battle of Grandmasters sa PSC Athletes Dining Hall sa Vito Cruz, Manila.
Bahagyang nabahiran ng kalungkutan ang ginaganap na torneo matapos ang ulat na pagkamatay ng 22-anyos na anak ni International Master Emmanuel Senador na si Kessee Senador dahil sa sakit na meningitis.
Bitbit nina Gonzales at Garma ang anim na puntos base sa Bilbao Scoring System na ipinangreresolba sa bawat laban kung saan ang panalo ay may 2 puntos, ang draw ay 1 puntos at zero sa matatalo.
Huling tinalo ni Gonzales ang kapwa GM na si Rogelio Barcenilla sa 65 moves ng English Opening habang binigo ni Garma sa 38 moves ang NM na si Emmanuel Emperado.. (Angie Oredo)