Matapos ideklara bilang world’s fattest boy, napipilitan na ngayon na mag-diet ang isang 10-year-old na tubong West Java province sa Indonesia.
Si Arya Permana ay kasalukuyang tumitimbang ng nakalululang 192 kilos sa kabila ng pagiging normal nito sa pagluwal sa kaniya ng kaniyang ina.
“He has an enormous diet and can actually eat meals of two adults at one time,” ani ina nito na si Rokayah. “My son is growing up at a rapid rate and I am worried for his health. I do not know any other way to stop him from gaining more weight than to give him less food.”
Dahil sa kaniyang timbang ay tumigil na sa pag-aaral si Arya. Umaasa naman si Rokayah na dadating ang panahon ay babalik sa pagiging normal ang kaniyang anak.
“He is always tired and complains of shortness of breath. He only eats and sleeps and when he is not done with both, he jumps into the bathtub and stays there for hours.” ani Rokayah.
Ipinagtataka naman ni Rokayah at pangalawang asawa nito na si Ade na wala umanong nakikitang sakit kay Arya sa tuwing dinadala nila ito sa iba’t ibang ospital.
“They asked us to take him to better hospitals if we think he needs medical attention. I have spent money beyond my capacity on his treatment but I am a poor farmer and making ends meet is a big task for me,” ani Ade.
Tiniyak naman ni Ade na hindi niya pababayaan si Arya kahit na nasasadlak sila sa kahirapan.
“I have insufficient money to buy food to fulfil his large appetite. I borrow money so that he can eat. Of course, I cannot keep him starving,” ani Ade. (DP)