HINDI lang sa mga sinehan dito sa Pilipinas mapapanood ang solo movie nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang “Imagine You & Me,” kundi ipapalabas din ito sa iba’t ibang bansa.
Mapapanood ito sa mga sinehan sa Canada sa Calgary, Toronto, Vancouver, Edmonton at Winnipeg. Gayun din sa Milan, London, Rome, New Zealand, San Francisco, Los Angeles, California, Texas, Guam, Ottawa, Singapore at United Arab Emirates.
Anniversary treat nila sa kanilang fans ang “Imagine You & Me” na showing sa Philippine cinemas nationwide on July 13.
Kapuwa inamin nina Alden at Maine na kabado sila at napi-pressure, at the same time, excited sa kanilang solo movie. Alam daw nilang malaki ang expectations sa kanila, kaya they did their best.
Anila, hindi nila tinatarget na R1 billion ang kikitain ng kanilang movie, as earlier reported. Ang kanilang main objective ay mapasaya ang mga manonood.
Pinaghirapan nila ang pelikula. Maraming adjustments na ginawa noong nag-shoot sila sa Italy. Pabago-bago kasi ang panahon. Minsan maaraw, bigla nalang uulan. Kaya kailangan nilang mag-reshoot ng ilang eksena.
Hindi natatakot malaos
Asked tungkol sa status ng kanilang relasyon, hindi diretsang nakasagot sina Alden at Maine. Napainom nalang ng tubig si Maine.
“Kung saan kami dalhin ng tadhana. Basta gusto ko, pareho kaming masaya. Mas maganda ’yung hindi pinaplano. Mas magla-last ’yun,” ani Alden.
“Kung kami talaga, kami talaga. Mangyayari nalang ’yun,” saad naman ni Maine.
Anila, parang roller coaster ang kanilang relasyon. May ups and downs. Nasa level na sila na nagsasabihan ng kanilang sikreto sa isa’t isa. “Basta nagkakaintindihan kami. Mutual understanding,” lahad ni Alden.
Tinanong din sina Alden at Maine kung na-o-offend ba sila sa sinasabi ng ibang tao na hindi sila sisikat without each other. “Totoo naman ’yun,” ani Alden. “Malaki ang nabago sa career ko. Malaki ang naitulong ni Maine. Without her, hindi darami ang product endorsements ko.”
Inamin din ni Maine na hindi siya sisikat kung hindi dahil kay Alden. Pareho silang nagkakatulungan sa kanilang respective careers. Hindi naman daw niya inisip o pinangarap na sumikat. “Gusto ko lang makita ang sarili ko sa billboard at gumawa ng commercial,” she said.
Aniya pa, hindi siya natatakot malaos. Masaya na siya sa nangyari at nangyayari sa kanyang career. Fulfilled na siya.
Dagdag pa ni Maine, hindi niya iniisip na magtatagal siya ng ten years sa showbiz. Baka raw after two years ay mag-quit na siya at gustuhin nalang niya ng isang tahimik na buhay.
Si Alden naman ay nagsabing hanggang gusto pa siya ng mga tao, magso-showbiz siya. Sobrang thankful siya sa rami ng blessings na dumarating sa buhay niya.
Pwede nang mategi
Self-confessed AlDub fan si Cacai Bautista, kaya sobrang happy at excited siyang nakatrabaho sina Alden Richards at Maine Mendoza sa “Imagine You & Me.” Ani Cacai, nu’ng nalaman niyang makakasama siya sa solo movie ng dalawa, nalaglag ang pakaw ng hikaw niya sa sobrang saya.
Ayon pa kay Cacai, natuwa siya nang i-follow siya ni Maine sa kanyang Instagram account. “Minsan lang sa buhay ko makatrabaho ang sikat na AlDub love team. Ang sarap nilang katrabaho, pati si direk Mike Tuviera.
Tatanawin kong isang malaking utang na loob at isang magandang memory ito. Pwede na akong mategi (mamatay),” wika ni Cacai.
Best actress awardees
Dalawang best actress awardees ang guests today sa “Yan ang Morning.” Sina Jaclyn Jose, Cannes Film Festival best actress, at LJ Reyes, Gawad Urian best actress.
Ibabahagi ni Jaclyn kung paano niya nababalanse ang pagiging isang ina at lola sa tunay na buhay, sakabila ng kaabalahan niya bilang isang artista.
Ise-share naman ni LJ at magbibigay siya ng tips kung paano magkaroon ng food business. Tutok lang sa YAM at 9:30 a.m. sa GMA7.
Romantic dinner
Mamaya sa “Once Again,” malaki na ang hospital bill ni Madel (Jean Garcia). Uudyukan siya ni Carmen (Chanda Romero) humingi ng pera kay Des (Janine Gutierrez). Tututol si Madel.
Magse-set up si JV (Jeric Gonzales) ng romantic dinner for Aldrin (Aljur Abrenica) and Des. Ipapakita ni Aldrin kay Des ang sketch ng young Lukas. Makikilala ’yun ni Des at sasabihing ’yun ang pumatay kay Reign.
Mananaginip pareho sina Aldrin at Des kung paano namatay sina Edgar at Reign. Pupunta sila sa Talisay.