BALANGA CITY, Bataan – Patuloy ang pag-angat ng Bataan ngayon na sila ang tinaguriang bilang second fastest growing province ng Central Luzon.
Base sa 2015 Census of Population, nagrehistro ang Bataan ng 1.94 percent average annual population growth rate, pangalawa lamang sa Bulacan na may 2.28%.
Nakatulong ng malaki ang freeports sa Bataan dahil nagdudulot ito ngayon ng libu-libong trabaho na magiging sapat para sa lumalaking populasyon nito.
Ayon pa kay Governor Abet Garcia, ang mga naturang Freeport ang siyang economic engines ng probinsiya na sinasabing nagbibigay ng 53,159 na trabaho sa unang bahagi ng 2016. (Mar T. Supnad)