By Ruel J. Mendoza
May halong kaba ang muling pagbabalik sa pag-arte ng dating aktres na si Cheska Diaz.
Kasama si Cheska sa bagong GMA-7 teleserye na “Sinungaling Mong Puso” kunsaan siya rin ang gaganap na ina ng anak niyang si Kiko Estrada sa istorya.
Sa tanong kung bakit naisipan ni Cheska na balikan ang pag-arte ay dahil may gustong ma-fulfill ito na hindi niya nagawa noon.
“Siguro dumarating sa buhay natin na we want to go back sa mga ginagawa natin noon.
“In my case, I became a mother so early.
“I got pregnant with Kiko during my teens, so hindi ko masyadong na-experience ‘yung maging teen actress talaga ako kasi naging mother ako agad.
“But I never regretted anything. Me being pregnant that time was meant to be siguro.
“I occasionally did movies then, pero mas naging priority ko ang naging family ko when I got married na.
“Now that my kids are all grown up, siguro it’s time na ako naman ang maging busy with something else.
“Nagawa ko na ang mga obligasyon ko sa mga anak ko, they are doing well kaya I want to give showbiz another try.”
Unang pagbabalik ni Cheska ay sa teleserye na “That’s My Amboy” at may ginawa niya ang indie film na “Diyos-Diyosan.”
Ngayon ay ramdam na ni Cheska ang pagiging artista ulit.
“Sabi nga ng brother kong siJoko (Diaz), magandang timing na bumalik ako kasi there are roles na for me.
“They are always looking for actresses to play mom to these new actors.
“Right timing lang siguro kaya nabigyan tay oulit ng chance to act.
“Medyo nangapa pa akonoong simula pero ngayon it’s all coming back to me,” ngiti pa niya.
Bilang ina naman ay hindi nakikialam si Cheska sa lovelife ng kanyang anak.
Kapag tinatanong daw siya tungkol sa kung sino ang dine-date ni Kiko, lagi niyang sagot ay hindi niya alam.
“My son is already an adult and he can handle those questions already.
“When people ask me about his lovelife, I always say na wala akong alam and they better ask Kiko na lang.
Pati raw ang pag-uusap ni Kiko sa ama nitong si Gary Estrada ay hindi rin daw siya nakikialam.
“When Gary calls noong bata pa si Kiko, I always give the phone to my son. Silang dalawa ang nag-uusap parati. Kaya maayos ang communication nila ever since.