MAASIN CITY, Southern Leyte – Nagpahayag ng kaniyang pasasalamat sa gobyerno ni Pangulong Duterte si Rep. Roger “Oging” G. Mercado ng lone district ng probinsiyang ito dahil sa pagbibigay prayoridad sa pagbuhay ng abaca industry dito.
Pinadaan ni Mercado ang kaniyang pasasalamat kay Department of Agriculture secretary Emmanuel F. Piñol. Ayon kay Mercado, inaasahan na nila ang pagrekober ng abaca industry matapos tamaan ito ng bunchy top virus sa nagdaang taon.
Binisita ni Piñol ang Southern Leyte nitong Biyernes kung saan inanunsiyo nito ang pagpapalabas ng initial funding na P100 million para sa local government ng Sogod. Ani Piñol, may malaking demand sa abaca sa bansa maging sa buong mundo.
Tanging ang Ecuador at Costa Rica lamang ang mga bansang nagpo-produce ng abaca. Bukod sa Southern Leyte, ang bayan ng Tabontabon ang sinasabing magandang pagtamnan ng abaca.
Marami na din sa Northern Samar ang patuloy na nagtatanim ng nasabing produkto. (Nestor L. Abrematea)