CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Hindi nakalusot ang isang drug courier kahit na gumamit pa ito ng isang kilalang courier company sa transakyon nito sa Puerto Princesa City.
Ito’y matapos malambat ng pinagsanib na operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office IV-B MIMAROPA (Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) si Vincent E. Badayos, 37 anyos na may dala-dalang shabu na nagkakahalaga ng P2.8 million.
Nahuli si Badayos sa operasyon ng awtoridad sa Barangay Magkakaibigan kung saan nakuha kay Badayos ang limang selyadong plastic sachet na may laman na 284.091 gramo ng pinaghihinalaang shabu.
“We cannot disclose the identity of the courier company as per PDEA guidelines,” said ani Gracel Lano, spokesperson ng PDEA-4B.
Kasaluuyang nakapiit si Badayos sa Puerto Princesa City Police Detention Cell habang hinihintay ang pagsampa ng kaso laban sa kaniya na may kinalaman sa violation of Section 5 (Transportation of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (Jerry J. Alcayde)