ILOILO CITY – Apat na probinsiya ng Panay Island ang inaasahan na makikinabang sa ambitious railway project ng pangulong Duterte.
Ayon kay Iloilo Business Club Executive Director Lea Lara, malaking tulong ang maidudulot ng nasabing railway system lalo na sa apat na probinisya ng isla na Aklan, Antique, Capiz, at Iloilo.
Matatandaan na taong 2011 nang aprubahan ng Regional Development Council (RDC) ng Western Visayas ang Panay Railway project.
Bilang hepe ng Department of Transportation and Communication (DoTC) sa ilaim ng Aquino administration, binaril noon ni secretary Mar Roxas ang P16 billion project dahil umano sa malaking halaga na kakailanganin para dito.
Taong 1906 nang itaguyod ang Panay railway system na tumagal naman hanggang late 1980’s. (Tara Yap)