Magiging maulan ngayong araw sa Metro Manila, Zambales, Bataan, at Southern Luzon dahil sa low pressure area na malapit sa Northern Luzon at ng hanging habagat.
Nakita ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration ang LPA sa layong 610 kilometro east-northeast ng Basco, Batanes kahapon ng tanghali.
Nagbabala ang PAGASA sa mga residente ng Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Zambales, Bataan, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon, at hilagang Palawan na magingat sa biglang pagbaha at pagguho ng lupa na dulot ng malakas na ulan.
Samantala, light to moderate rains naman ang iiral sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, Negros Occidental, Aurora, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, at natitirang bahagi ng Palawan.
Bahagyang maulap hanggang maulap naman ang na may pulu-pulong pagulan at pagkidlat naman ang mararanasan sa iba pang bahagi ng bansa.
Binalaan ng PAGASA ang mga mangingisda sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Occidental Mindoro, western coast ng Batangas at Palawan, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Masbate, kasama ang Ticao Island, Burias Island, southwestern coast ng Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Batangas, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, at Quezon, kasama na ang Polilio Island, na huwag lumayag dahil sa mataas na alon dulot ng hanging habagat.
(Ellalyn B. de Vera)