Mahigpit na ipatutupad ng bagong upong Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) chief Superintendent Serafin P. Barretto, Jr. ang Oplan RODY sa lahat ng kulungan sa bansa bilang suporta sa giyera laban sa bawal na gamot.
Kaakibat ng laban ni President Rodrigo Duterte sa illegal drugs, layunin ng Oplan RODY na alisin ang mga tauhan ng BJMP na sangkot sa mga gawaing may kinalaman sa bawal na droga at corruption sa loob ng mga kulungan.
Kasama sa Oplan Rody ang pagbuwag sa gangs, pagbabawas ng mga preso at pagdisiplina sa jail personnel at inmates. Sinabi ni Barretto na patuloy silang magsasagawa ng drug test sa mga miyembro ng BJMP personnel, lifestyle check sa mga napabalitang protector ng illegal drugs trade, at pag-usig sa mga personnel na sangkot sa droga. “Supilin, putulin at baguhin natin ang maling sistema ng pamamahala sa piitan, pahayag ni Barretto. (Chito A. Chavez)