ILOILO CITY – Dalawampu’t limang katao ang nasawi dahil sa kaso ng dengue hemorrhagic fever sa Western Visayas Region at Negros Occidental province.
Ayon sa focal person for dengue ng Department of Health Region 6 (DOH-6), ang nasabing bilang ay kasama sa kanilang datos hanggang August 6.
Sa anim na probinsya na kanilang sinuri, ang Negros Occidental kasama na ang Bacolod City ang may pinakamataas na bilang ng mga namatay sa dengue sa bilang na 11.
Ikalawa naman ang Iloilo province na may naitalang 10 casualty. Tig-dalawa ang record ng Antique at Capiz provinces.
Dagdag pa ng report ng DOH-6, umabot ng 141% ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng nasawi. Dahil dito ay inuudyok na ng DOH-6 ang mga local government units ng anim na probinsiya na palakasin ang kanilang anti-dengue drive upang maibaba pa ang bilang ng biktima ng dengue. (Tara Yap)