Iloilo City – Sisimulan na ang isang P77-million repair project ng isang farm-to-market road sa Tigbauan town na magiging susi naman sa paglago sa rural areas ng lugar.
Ayon kay Tigbauan Mayor Suzette Alquisada, ang 7.89-kilometer road ay pakikinabangan ng mahigit 20,000 residente dahil na din sa tiyak na paluluwagin nito ang daloy ng trapiko para sa paglabas ng mga agricultural products sa mga trading centers.
Ang pagsasaayos ng Parara-Jamog Farm-To-Market Road ay sa ilalim ng Philippine Rural Development Project (PRDP) ng Department of Agriculture (DA-6).
Sa bisa ng 90% funding ng world Bank, ang pondo ng farm-to-market road repair ay may ayuda din buhat sa Iloilo provinicial government sa kanilang ambag na P7 million habang P2 million naman ang ibinigay ng Tigbauan local government. (Tara Yap)