HOW true na balak daw itapat ng GMA7 ang upcoming primetime series ni Dingdong Dantes sa “FPJ’s Ang Probinsiyano” ni Coco Martin? ’Heard, hanggang next year pa ang airing ng naturang teleserye ni Coco dahil sa mataas na rating nito.
Plus factor ang guesting ng iba’t ibang Kapamilya stars.
Nagte-taping na si Dingdong ng bago niyang Kapuso series kung saan mala-Robin Hood ang karakter niya. May mga action scene siya katulad ni Coco sa kanyang Kapamilya series.
Excited si Dingdong dahil kakaiba kesa sa mga nagawa niyang serye sa GMA ang bago niyang project. He’s out to prove na kaya niyang gampanan ang role na ipinagkatiwala sa kanya.
Sina Megan Young at Andrea Torres ang leading ladies ni Dingdong sa upcoming action series niya with Dominic Zapata at the helm.
By the way, Hermes plates ang birthday gift ni Dingdong kay Marian Rivera. Mahilig daw kasing magluto ang wife niya.
Sa Balesin island sa Quezon nag-celebrate ng kanyang 32nd birthday si Marian on Aug. 12 with her hubby and daughter baby Zia, kasama ang ibang family members nila ni Dingdong.
Naghahanda na
“I found the one,” ang seryosong pahayag ni Matteo Guidicelli sa presscon ng Sun Life Asset Management Company, Inc. (SLAMCI) kung saan siya ang celebrity endorser ng Sun Life Prosperity Card. Kahit wala siyang binanggit na pangalan, alam naman ng entertainment at lifestyle writers na naroon na ang girlfriend niyang si Sarah Geronimo ang tinutukoy ni Matteo. Haba ng hair mo, girl!
Ayon sa Kapamilya actor, a few more years pa bago siya magse-settle down. “Everything is in preparation,” he said.
Bilang paghahanda sa kanyang future family, nag-put up si Matteo ng Italian restaurant sa Cebu kung saan tagaroon ang pamilya Guidicelli. Italian ang kanyang daddy at Filipina na taga-Cebu ang kanyang mommy. Isa sa mga prominent at rich families sa Cebu ang mga Guidicelli.
May production company rin si Matteo at aniya, gumagawa sila ng videos, short clips, nag-o-organize ng concert events, et cetera.
Endorser din si Sarah ng isang insurance company, pero ani Matteo, hindi isyu sa kanila kung magkalaban sila ng insurance company. “I’ll be honest, she’s a great endorser. Hands down ako sa kanya,” sambit ni Matteo.
Aniya, believe siya sa SLAMCI kaya pumayag siyang maging endorser ng Sun Life Prosperity Card. Investment card ito na sa halagang P5,000 ay pwedeng mag-invest sa mutual funds. Ayon kay Ms. Valerie Pama (SLAMCI president), mas malaki ang interest nito kumpara sa savings sa bangko. “It’s an easy and convenient way to start building one’s brighter future. By investing in mutual funds, one can make his/her money work harder for him/her, as against simply leaving all of it in the bank.”
Sa TVC ni Matteo ng SLAMCI, ini-encourage niya ang viewers na mag-invest sa mutual funds gaya ng ginawa niya.
Naniniwala siyang magandang investment ito. “When you invest your money, you have to grow it long-term before you can enjoy the benefits. You may have to wait a bit, but it’s always worth it,” he explained.