KAHANGA-HANGA ang nagging desisyonng 28-year-old Canadian na si Kyle Jennerman na iwan ang pamilya niya sa Canada at iwan ang kanyang trabaho sa Hong Kong para manirahan ditto sa Pilipinas.
Kaagad nagustuhan ni Kyle ang Pilipinas nang una siyang magpunta rito noong January 2013. Hanggang sa noong 2014 ay nagdesisyon siyang manatili at libutin ang ating bansa, diskubrehin ang magagandang lugar, kilalanin ang ugali ng mga Pinoy.
Maituturing na Pinoy at heart si Kyle na sa 29 mga bansang napuntahan niya’y pinili niyang manirahan dito sa Pilipinas at mahalin hindi lang ang bansa kundi pati ang mga mamamayan nito. Mas gusto nga niyang tawagin siya sa Pinoy name niyang Kulas.
Pawang mga papuri at positibong salita ang ibinabahagi ni Kulas sa mga Pinoy at maging sa mga taga-ibang bansa kaugnay ng paglilibot niya sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang blog na #BecomingFilipino.
Ayon nga kay Kulas, “I have never experienced before what I got to experience in the Philippines. I have never met such kind, giving, friendly, hard-working, outgoing, proud, and happy people. I have never experienced a culture like the Philippines, a culture that every single day inspires me, and that I look up to. It is a place where the natural environment is unbelievably beautiful. The waterfalls, beaches, mountains, rivers… I could go on and on about it. But what really inspires me about the Philippines is the PEOPLE.”
Dahil sa kanyang blog tungkol sa PH tourism, kinilala si Kyle na Number 1 sa listahan ng Top 5 Foreign Bloggers Who Sincerely Love the Philippines and the Filipinos. January ng taong ito, nai-feature siya sa Huffington Post na kabilang sa Top 5 of the World’s Best Male Travel Bloggers.
Pero ngayon, level up na si Kulas dahil mapapanood na rin sa telebisyon ang kanyang travel adventures at Pinoy experiences sa pamamagitan ng kanyang iho-host na travel show, ang #BecomingFilipino: Your Travel Blog. Mapapanood ito sa ANC (ABS-CBN News Channel) tuwing Linggo, 7:30 p.m., simula sa Aug. 14. May replay ito tuwing Sabado, 4:30 p.m. (GLEN P. SIBONGA)