Umapela ang isang toxic watchdog sa mga mayors at opisyal ng local health at police na paigtingin pang lalo ang kampanya laban sa mga nagtitinda ng silver cleaner na may halong cyanide para masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Ginawa ng EcoWaste Coalition ang panawagan matapos na magpalabas ng health warning ang Food and Drugs Administration (FDA) laban sa tatlong produkto na panglinis ng silver jewelry.
Binalaan ng FDA noong Agosto 16 ang publiko laban sa pagbili, paggamit at pagtatago ng Silver Sparkle Flat Silver Dip, Unisilver Silver Dip and Cleanse Silver (Copper) Cleaner dahil naglalaman ang mga ito ng cyanide na mapanganib sa kalusugan ng tao at hayop.
“All local government units and law enforcement agencies are requested to ensure that the above-mentioned brands are not sold or made available in their localities or areas of jurisdiction,” pahayag ng FDA Advisory. (Chito Chavez)