Kakasuhan ngayong araw na ito ang tatlo sa limang “narco” generals na pinangalanan ni Pangulong Duterte.
Ang mga limang generals ay sina Chief Supt. Bernardo Diaz, Director Joel D. Pagdilao, at Chief Supt. Edgardo G. Tinio at retiradong sina Chief Supt. Vicente Loot na ngayon ay mayor ng Daanbantayan, Cebu, at Deputy Director General Marcelo Garbo.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na unang kakasuhan ng pamahalaan ang mga narco generals at kasunod ang mga narco mayors.
“Uunahin natin yung narco-generals, mayroong mga dalawa o tatlo na mapa-filan ng kaso bukas. Pero ayoko pangunahan ang Department of Interior and Local Government dahil ito po ang kanyang trabaho,” sinabi ni Andanar. “Pagkatapos, sunud-sunod na yan. ‘Yung mga mayor na nakitaan ng sapat na ebidensya na kailangan talagang kasuhan.”
(Genalyn D. Kabiling)