SA isang showbiz event, panay ang rampa ng isang aktres. Tila KSP (kulang sa pansin) at panay ang ikot sa venue, as if siya ang host.
Lingid sa kaalaman ng aktres, pinagbubulungan na siya ng mga naroong miyembro ng entertainment press. Deadma ang mga ito at walang nag-effort tsikahin ang aktres.
Pero noong presscon nito sa isang pelikula’y pinagkaguluhan ito ng entertainment press. Star na star ang arrive ng aktres. Feeling-feelingan ito.
Pero flopsina (as in flop) ang movie ng aktres. Hindi siya naging star. Hopia (umasa) pa naman ang aktres. Hindi nagningning ang kanyang bituin. How sad naman.
In fairness, may talent naman ang aktres. Kaya lang, hindi naman talent lang o itsura ang pwedeng magpasikat sa isang artista. Plus factor ang may kalakip o kakambal na suwerte.