KALIBO, Aklan (PNA) – Kinasuhan na ang 18 Taiwanese at pitong Chinese nationals na naaresto kamakailan matapos ang isang drug raid sa isang villa sa Boracay kamakailan.
Ang rekomendasyon sa pagsampa ng kaso ay pirmado ni state prosecutors Dearly Yerro at Cayo Venturanza at inaprubahan ni Provincial Prosecutor Maya Bien Tolentino.
Kasong paglabag sa Section 7 ng Article II ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Acts of 2002 dahil sa pagbisita sa isang drug den ang haharapin nina 32-year-old Lin Szu Wei; Shau Wei Hu, 30; Tian You Jhou, 26; Shao Wei Zeng, 25; Guo Siou Hong, 25; Chia Hui Sun, 25; Yu Ting Lien, 34; Wei Chieh Weng, 29; Jhih Hong Chen, 26; Hsiao Chun Huang, 27; Yu Lung Fan, 29; Ching Ching Chang, 25; His Ao Chu, 23; at Shuang Chuan, 22 na mga Taiwanese nationals.
Huli din ang apat na babaeng Taiwanese na sina Yung Chun Wang, 23; Pei Yu Wu, 23; Yuan Shun Chou, 27; at Li Yin Lo, 23 habang haharap sa kaso sina Chinese nationals Honghua Zhou, 25; Zonglong He, 29; Feng Shuang Han, 32; Chun Gong, 29; Hui Zeng, 29, Juan Wang, 28 at Yuling Zhong, 23.
Nakuha sa raid ang ecstasy, heroin at party tablets habang inihahanda ang kasong internet fraud matapos makita ang ilang computers na posibleng ginagamit sa cyber crime.