Natagpuan na ang mga bangkay ng dalawa katao na sakay ng rescue helicopter na bumagsak sa General Nakar, Quezon province noong Lunes dahil sa sama ng panahon.
Kinilala ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang mga biktima na sina Captain Miguel Logronio at Aircraft Mechanic Engineer Jay Gregorio na sakay pa ng bumagsak na helicopter ng matagpuan ng rescue team sa pangunguna ng piloto na si Capt. Jojo Consunji.
May misyon ang mga nasawing biktima na saklolohan ang mga na-stranded construction at engineer personnel na nasa Sumag diversion tunnel ng Quezon province nang bumagsak ang helicopter dahil sa hanging Habagat.
“Hailed as heroes, stranded and rescue personnel who witness the efforts of the two said that the fatalities worked vigorously against time airlifting marooned workers during a flash flood last August 15,2016 in the Sumag Diversion Tunnel project,” ani CAAP spokesman Eric Apolonio said.
Hindi naman naging madali para sa rescuers ang retrieval operation dahil na din sa sama ng panahon. “The rescue team tried several times to retrieve the bodies of Logronio and Gregorio but the weather is still not cooperative.
Although the area was already cleared, the wind is blowing too strong,” dagdag ni Apolonio. (Martin Sadongdong)