Sa gitna ng panganib na dala ng Zika virus na umaatake sa Malaysia at Singapore, hinimok kahapon ng isang local toxic watchdog ang 42,036 barangays sa bansa na pag-ibayuhin ang tamang pagtatapon ng basura para mapaalis ang Aedes mosquitoes sa kanilang kumunidad.
Ayon sa Department of Health (DoH), nakukuha ang Zika virus, dengue at chikungunya sa kagat ng Aedes mosquitos. “Our barangays can contribute to keeping the country Zika-free by ensuring the ecological management of discards, which can collect water and serve as breeding containers for Aedes mosquitoes,” pahayag ni Noli Abinales, pangulo ng EcoWaste Coalition.
Sinabi niya na ang mga basurahan, mga itinapong lalagyan ng inumin at pagkain, mga lumang gulong at takip ng bote ay ilan lamang sa bagay na naiiimbakan ng tubig kung saan nangingitlog ang Aedes mosquitoes. (Chito Chavez)